Chapter 18

1.4K 263 10
                                    

Hindi nakapagsalita si Brutus ng ilang segundo habang si Roxie ay nakangiting naghihintay sa sagot ng binatilyo. Hinihimas niya din ang malambot na kama na tinitignan naman ng binata.

"Kung ako sayo , maliligo na ko." Sabi ni Roxie.

Napalunok si Brutus, nag-aapoy na siya at gusto niya nang pasabugin ang bulkan na magpapaulap sa kanyang kalangitan.

"Pero."

Seryoso ba siya?. Seryoso ba si Roxie?. Fvck ! Ang swerte ko!.

"Mauubusan na tayo ng oras." Sabi ni Roxie.

Napangiti si Brutus."Fine. Mabilis lang ako."

Mabilis na kinuha ng binatilyo ang tuwalya at agad Siyang pumasok sa Banyo.

Kinuha naman ni Roxie ang cellphone na sa taas ng drawer nakapatong.

Bakit nakapatay pa?. Hay! Antagal naman magbukas!. Magbukas kana!. Bilis Bilis!.

"Bilisan mo na dali." Sambit ni Roxie na narinig naman ni Brutus.

"Malapit na!." Sigaw naman ni Brutus mula sa banyo.

Tamang-tama alis kanina ni ate. Mukang excited na si Roxie.

Bumukas na ang cellphone ngunit may password pala kaya agad siyang nanghula.

"Bakit kasi nakalock?. Hala pano na to?."

Samantala , tumunog na ang gatilyo ng pintuan at mukang tapos nang maligo ang binatilyo.

Agad na ibinalik ni Roxie ang cellphone at mabilis na pumunta sa tapat ng pintuan palabas ng kuwarto.

Waaaahh! Hindi ko nabuksan yung cellphone!. Pano na!!?. Pero teka. Sa mall ba o sa park kami pupunta?. Sa mall nalang. Mukang mas madaming mag nobya sa mall.

"Bilisan mong magbihis para makauwi na tayo ng maaga." Sambit ni Roxie.

Grabe ang macho ni Brutus. Waaah!. Nahuli niya yung tingin ko!.

Tumingin ng kakaiba si Brutus kay Roxie at labis siyang nagtataka.

Magbihis?. Umuwi ng maaga?. Gusto niyang umuwi ng maaga?.

Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon