40

978 109 4
                                    

Hindi na naka-imik si Roxie at tila natangal ang bara sa kanyang puso. Lumuwag ang pakiramdam niya at mabilis siyang naging komportableng muli kay Lina.



Nagalalakad naman ng magkakasabay ang limang Casanova at nasa harap nila ang dalawang magandang binibini.




"Ang ganda ni Lina ngayun pre." Sambit ni Kyzer.


"Parang di naman siya apektado sainyo Brutus." Sabi ni Lindon.


"Oo nga eh." Sabat ni Darwin.


"Ang ganda talaga ni Lina. Liligawan ko na agad yan." Pahapyaw na sabi ni Lindon.


"Anung sukat ng body bag mo LINDON?." Madiin na tanong ni Davion.


"Hahaha." Tawanan ng grupo.


"Binibiro ka lang pre. Bakit kasi di mo pa nililigawan?." Tanong ni Lindon.


"Yun na nga eh. Natotorpe ako." Sagot ni Davion.


"Pero kay Roxie hindi ka NATORPE?." Tanong ni Brutus.


"Kailangan kong galingan yung panliligaw ko kay Roxie para mapaniwala ko kayo na seryoso ako sakanya. Wala naman akong feelings kay Roxie kaya nadalian lang ako." Sagot ni Davion.


"Ah... Ang galing mo pre. Paturo ka diyan kay Brutus kung pano manligaw." Sabi Kyzer.


"Tama ka Kyzer. Sakin kayo magpaturo. Expert na expert na ako pagdating diyan. Kita naman ang ebidensya diba?." Pagyayabang ni Brutus.


"Expert na expert eh ngayon ka lang naman nanligaw sa buong buhay mo haha." Sabat ni Darwin.


"Oo nga Bruts wag mo kaming lokohin haha." Malakas na tawa ni Kyzer.





Napa sulyap ang dalawang binibini sa likuran nila na agad na nagpahinto sa pagngiti ng mga Casanova. Ibinalik na ng dalawang dalaga ang tingin nila sa harapan. "Ano kayang pinag-uusapan nila?." Takang tanong ni Lina.


Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon