42

1.5K 185 10
                                    

Bumalik ng mabilis si Brutus sa kotse pagkatapos niyang ihatid ang magandang dalaga na si Lina. Ipinatong niya agad ang katawan niya sa upuan at agad na pinaandar ang makina ng sasakyan. Nilingon niya si Roxie na nasa likuran at halos mahiga na ito sa pagkakayakap sa manikang oso.





"Inaantok kana ba labs?."


Dahan-dahang tumango si Roxie. "Medyo beh."


"Ang suwerte naman ni baby Beartus."


"Gusto mo yakapin din kita?." Tanong ni Roxie.


Lumuwag ang mga mata ni Brutus. "Siyempre naman labs." Sambit nito.


"Eh. Ayaw haha." Wika ni Roxie.

Nalusaw ang ngiti ni Brutus. "Ikaw nalang ang yayakapin ko haha." Muli siyang ngumiti sa kanyang nasambit. Hindi na naka-imik si Roxie at muling niyakap ng mahigpit ang katabi niyang manika.




Nagsimula nang umikot ang mga gulong ng kotse at ilang ikot pa ay nakarating na sila sa tapat ng condo building na tinutuluyan ni Roxie. Humahakbang na sila papapunta sa condo at buhat-buhat ni Brutus ang malaking oso.



Habang naglalakad ay pinihit ni Roxie ang balingkinitan niyang katawan na nagpaharap sakanya kay Brutus. "Ang cute mo beh haha."


"Hindi naman mabigat si baby Beartus, malaki lang labs."


Nasa tapat na sila ng condo at agad na pinindot ni Roxie ang password niya.


BRUTUS. Hindi ko pala napalitan ng Davion ito dati. Mas gusto ko kasi talaga ang BRUTUS eh.




Itinabi ni Roxie ang pinto, pinapasok niya si Brutus at dumiretso sila sa kuwarto. Inilapag ni Brutus ang malaking teddy Bear sa malambot na kama, nilapitan niya si Roxie at niyakap sa likuran.




"Labs... Gusto kong matulog dito." Bulong ni Brutus mula sa likuran. Binuhay ng yakap at mapang-akit na tinig ang natutulog na diwa ni Roxie. Agad na gumapang ang nakapa-ngingilabot na pakiramdam sakanyang katawan.



"Ba—bakit gusto mong matulog dito?." Nahihiyang tanong ng binibini.


Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon