26

1.2K 221 7
                                    

Nagpasyang mag sabay na umuwi si Davion at Brutus pagkatapos nilang bumisita sa condo ni Roxie. Pareho silang nadismaya sa parehas nilang pagpunta.



Naglipana nanaman ang mga estudyante, kahit saang daan ay makikita sila sa umagang may eskwela. Nakatayong parang kawal ang apat na Casanova at nag-aabang nanaman sila ng mga binibini.



"Asan si Davion bakit wala pa?." Takang tanong ni Brutus sa grupo.

"Eh-baka... na late lang ng konti." Wika ni Lindon.

"Hintayin na natin at tamang-tama naka tambay na tayo dito." Sabat naman ni Kyzer.

"Pre si Davion oh." Seryosong wika ni Darwin na nakatingin mula sa malayo.


Napalihis ang tingin ng grupo. Nakita nila si Davion na may kasamang isang babae. Bit-bit nito ang pink na bag na mukang pag-mamay-ari nang dalaga.



Napatulala sila, nagtaka at nabalot ng selos sa katawan. Unti-unting nakalapit ang dalawa at napangiti ito sakanila..

Huminto sila Davion sa tapat ng apat na estatwa. "Mga pare tara na sa classroom!." Aya ni Roxie.



Naging seryoso ang mga muka nila. Nagtataka sila kung bakit kasama ni Davion si Roxie. Nakangiti lang si Brutus at walang mapupunang pagseselos sakanyang muka.


She's obsessed with me. She's not showing it but deep inside she thinks im hot!.

"Tara na." Kampanteng aya ni Brutus.

Nagtaka nanaman ang grupo kung bakit muka siyang maligalig. Di nila alam na nasa likod nila si Lina. Muli niyang nakita si Roxie na kasama ang limang Casanova pero hindi galit ang naramdaman niya kundi saya.


Napansin niya na hawak ni Davion ang bag nito. Nililigiwan na siya ni Davion! o sila na?. Yes! Masosolo ko na si Brutus!.


Nakarating na ang anim sa classroom. Muntik na silang matunaw sa sanib-pwersang tinginan ng mga estudyante. Mabilis na naglakad papunta sa upuan niya si Brutus , gusto niya nang makatabi si Roxie at ayaw niyang makitang bitbit ni Davion ang bag nang dalaga.



Huminto ang dalaga sa tapat ng kanyang mga kaklase. "Davion akin na yung bag ko, kaya ko na." Utos ni Roxie at agad namang binigay ni Davion ang bag niya.


"Ang sweet naman!."

"Ayieee!."

"Wooh! Sila na ba?."

"Bagay na bagay sila!." Hiyawan ng mga kaklase nila.


Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon