Sa mga klase nila pinalipas ang kanilang mga oras. Kaunting pihit nalang sa orasan ay matatapos na ang klase nilang kahuli-hulihan.
Tumikhim si Brutus. "Ah Roxie."
"Baket?." Agad na tanong ni Roxie habang nagsusulat.
"Ah. Wa-wala."
Wala pa sa takdang oras ay nag hudyat na ang guro na puwede na silang lumabas. Agad na tumayo si Brutus at kinuha ang bag ni Roxie sa tabi.
"Te-teka." Sambit ni Roxie.
Tumayo si Roxie at sinundan si Brutus. Hindi pa nailalagay sa bag ang kuwaderno ng dalaga kaya hinampas niya ito ng mahina sa likod ng binata. Napahinto naman sa paglalakad si Brutus sa at hinarap ang dalaga. Nakita niya ang notebook sa kanyang harapan na iniiaabot ng dalaga.
Napahawak sa batok si Brutus. "Meron pa pala."
Hinawakan niya ang notebook ngunit hindi bumibitaw sa paghawak si Roxie.
"Ang pogi mong snatcher." Sabi ni Roxie at nagsimula na siyang humakbang. "Tara na." Aya niya kay Brutus.
Ilang paghakbang lang ay nakalapit na silang dalawa sa apat na Casanova.
"Tara na mga bayawak." Aya ni Brutus.
"Ok na ba kayo ulit?." Tanong ni Kyzer.
"Oo." "Hinde." Sabay na sabi nila Brutus at Roxie.
"Anong OO?." Madiin na tanong ni Roxie.
"So hindi pa pala." Sabi ni Darwin.
"Namiss ko pa naman yung mga langam." Sambit ni Lindon.
"Nagbaon pa naman ako ng ointment." Dagdag ni Davion.
Napahawak sa baba si Brutus. "Parang may natatandaan ako kanina eh. Sinu ba yung madal—"
"Tara na guys. Ayun na si Lina oh. Naghihintay saten." Putol ni Davion kay Brutus.
Nagsimula nang maglakad si Davion patungo sa labas ng classroom. Sumunod naman ang iba pa at nakita nga nila si Lina. Agad na napansin ni Lina ang bag ni Roxie na buhat ng isang binata.
Napangiti si Brutus dahil nakikita niya ang pag-unlad ng dalagang si Lina. "Bakit ba. Lalo kang gumaganda tuwing nakikita kita Lina?."
"Ah—eh. Nag pulbos lang naman ako." Sagot ni Lina. "Pero teka. Bag ata ni Roxie yan ah." Sunod niyang sabi.
"Ah. Oo hahatid ko kasi siya sa condo niya." Sagot ni Brutus.
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AventuraSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure