"Wag mo ng isipin yun Roxie. Baka gusto ka lang lokohin ulit ni Brutus no. Si Lina nga I'm sure lolokohin niya din. Baka nga niloloko niya na." Sabi ni Ricardo.
"Oo nga. Kawawa naman si Lina. Maloloko din siya ni Brutus. Ah basta!. Gusto kong lumayu sakanila!. Pupunta tayo ng Korea sa isang araw at bukas maghahanda na tayo. Ok lang ba yun sayo bes?."
"Oo naman. Pero teka... Nakausap mo na ba yung ate ni Brutus?. Sabi niya tutulungan ka niya diba?." Tanong ni Ricardo.
"Oo pero... Sabi niya mukang seryoso talaga si Brutus kay Lina... Balak pa ngang pakasalan ni Brutus. Kapag daw pinilit pa ni Jasmine na paghiwalayin sila eh baka lalo lang silang tumibay. Hay bakit kasi iisa lang ang nagustuhan naming lalaki ni Lina?. Simula palang alam ko na na may gusto dun si Brutus eh!. Antanga ko no bes?." Mahabang sabi ni Roxie.
"Ewan ko sayo. Ano?. Iinum paba tayo?."
"Inum pa tayo. Bigla akong nainis." Sagot ni Roxie.
"Haha. Inom-inom-inom!." Sambit ni Ricardo habang nagagalak.
Naka-uwi na si Brutus sa condo niya at bumungad agad sakanya si Lina na nasa sala.
"San kaba galing Babe?. Gabi na ah." Tanong ni Lina.
"Nag jogging lang." Sagot ni Brutus.
Lumapit si Lina kay Brutus. "Pawis na pawis ka babe. Kukuha kita ng tuwalya. Maligo ka ha?." Tanong niya.
"Sige. Mabuti pa nga." Sagot ni Brutus.
Dali-daling naglakad si Lina upang kumuha ng tuwalya. Naisip niya nanamang akitin si Brutus sa kama.
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AdventureSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure