50

974 23 20
                                    

"Pupuntahan kita ngayon, mag-usap tayo diyan." Wika ni Ricardo.

"Ok."

Nilagutan na ni Roxie ang kanyang pagtawag, sumubsob siya sa kama at muling umiyak.

Lumipas na ang ilang minuto at nasa tapat na ng condo si Ricardo. Nag doorbell siya at ilang segundo pa ay bumukas na ang pinto na nagbalot sakanya ng mga braso ng dalaga.

"Shhh... Tahan na Roxie." Sabi ni Ricardo.

Ilang segundo rin bago tumahan si Roxie, naglakad sila papasok sa loob ng condo kasabay ng pagpahid niya sa kanyang mga mata.

Naupo sila sa sofa, magkatabi sila at tinignan ni Ricardo si Roxie sa muka.

"Wag ka ng umiyak ha, magang maga na yung mga mata mo." Sambit ni Ricardo at biglang tumayo. "Ay wait bes hintayin moko dito." Sunod niyang sabi.

"San ka pupunta?." Nag-aalalang tanong ni Roxie.

"Basta." Sagot ni Ricardo at sa kusina siya patungo.

Naghanap si Ricardo ng alak sa ref ngunit ni isang bote ay wala siyang nakita. Agad siyang pumunta sa puwesto ng dalaga at muling tinignan ang malungkot nitong muka.

Hayyyz!. Bakit wala ng alak!?. Mas maganda pa naman kapag may alak. Makakatulog siya agad atleast kahit papano makakalimot siya.

"Ano ba yun bes?." Takang tanong ni Roxie.

"Wait mo lang ako dito. Lalabas lang ako ng condo." Sambit ni Ricardo.

"Wag mokong iiwan." Nag-aalalang sabi ni Roxie.

"May bibilin lang ako bes, mabilis lang."

Isinampa ni Roxie ang mga paa niya sa sofa at niyakap ng mahigpit.

"Wag mokong iiwan." Halos maiyak na sabi ni Roxie.

Lumapit si Ricardo kay Roxie at yumuko sa tapat ng dalaga. "Bibili lang ako ng alak. Pagbalik ko dito dapat walang luha sa mata mo ah."

Tumango si Roxie na parang bata. "Ok." Sambit niya.

"Good. Mabilis lang ako promise." Sabi ni Ricardo.

Mabilis na tumayo si Ricardo kasing bilis ng mga paghakbang niya palabas ng condo.

Naiwan si Roxie na nag-iisa at naisip niya na isama si Davion sa magiging inuman nila.

Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon