Ilang araw na hindi sumipot si Brutus sa unibersidad simula nang magpalitan sila ng kaunting salita ni Davion sa coffee shop.
Nagtataka naman ang tatlong Casanova dahil wala silang alam kung bakit.
Sa tingin ni Roxie at Davion ay sila lang ang nakakaalam kung bakit hindi pumapasok ang binata.
Maaga palang ay hindi na mahulugan ng karayom ang gitna ng unibersidad.
Nagtitipon ang di mabilang na estudyante at nasa harap nila ang malaking entablado.
Nakapuwesto na ang apat na Casanova, kasama nila si Roxie at Lina. Maingay sa tenga ang bulungan ng mga estudyanteng nagsama-sama.
Pumiyok ang mikropono, nabalot ng katahimikan ang lugar at nabaling ang atensyon nila sa entablado.
Isang lalaking naglakad papunta sa gitna ng entablado ang humablot ng atensyon nila. "Mic check. Good morning everyone!."
"Good morning Mr. Perez." Bati ng mga estudyanteng sabay-sabay na nagsalita.
"I just wanted to introduce to all of you. Fellow BB University students that Mr. Borbon, the new owner of our school have a son that was studying here in BB University. Maybe he's your friend or classmate. "
Nabalot ng pag-uusisa ang mga estudyante. "Huh? Bago pala ang may-ari ng school naten?."
"Borbon ba ang meaning ng BB?."
"Di ko din alam eh."
"May anak siyang lalaki, I'm sure guwapo yun." Bulungan ng mga estudyante."Please welcome, the only son of Mr. Bill Borbon." Pagpatuloy ni Mr. Perez.
"Borbon?. Ka apelyido ni Brutus yun di ba?." Takang tanong ni Lina.
"Oo apelyido niya nga yun bes" Sagot ni Roxie.
Tumingin si Lina sa apat na Casanova. "Kung ganon siya pala ang..."
"Hindi namin alam yan." Wika ni Lindon.
"Oo nga wla kaming alam tungkol diyan." Sambit ni Darwin.
"The son of multi millionaire, Brutus Rancy Borbon!." Sigaw ni Mr. Perez sa mikropono.
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AdventureSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure