Naomi☆
Maaga pa akong pumunta nang school dahil ngayon yung performance nang NZ Dancerz
Ang pinagtataka ko lang bakit hindi makakasayaw si christian?Nag away kaya sila nang ka groupo niya? Sana naman hindi! Mabait si christian at alam ko na wala siyang kaaway lalo na hindi niya kayang awayin yung ka groupo niya!
Kumaripas ako nang takbo papunta Sa broadcasting room, at duon ko nakita na nag brobroadcast na si Leah para Sa performance nang NZ Dancerz ngayon!
Wala kaming pasok dahil nga dun! Kaya free na free ngayon yung buong estudyante Sa school namin!
Maya maya dumating na si daine!
"Good morning! Sorry na late ako! " sambit niya!"OK lang! Maaga pa naman tiyaka si leah na yung nag broadcast para Sa magiging performance nang NZ Dancerz Mamaya " I said
"Ahhh! Ganon ba buti naman! I'm glad that your OK!" He said
"Ano kaba daine OK lang ako palagi no!" Pagmamaktol ko!
"Basta wag mong kakalimutan yung sinabi ko hah!" Sambit niya habang ginugulo yung buhok ko!
Napapout nalang tuloy ako!Pareho kaming Napa titig ni daine kay leah! Sa ilang segundo namin pinagmamasdan si leah Napa tingin naman ako kay daine! Tutuk na tutok lang siya kay leah!
Kinilig ulit ako! Parang matatawa na ako, buti nalang napigilan ko baka kasi lumabas nanaman yung sungay ni daine!
"Ang ganda niya no!" Sambit ko habang naka tingin kay leah!
"Sino? " tanong niya habang naka titig sakin!
"Si Leah!! " sambit ko!
"Oo! Maganda siya, pero hindi ko talaga siya gusto! " he said
Napatingin naman ako sakanya
"Bakit naman! Maganda naman siya auh tiyaka matalino pa! " sambit ko!"Dahil my iba na akong nagugustuhan! " sambit niya kaya napalingon ulit ako sakanya!
"At Sino naman yun hah?" Tanong ko!
Hindi na niya ako sinagot patuloy padin siyang nakatitig kay leah! Sungit talaga nang kababata ko!
"Daine! Labas muna ako hah! May pupuntahan lang ako babalik naman ako kaagad! " sambit ko!
"Sige! Basta wag kang mag tatagal hah! " sambit niya kaya tumango nalang ako at lumabas na ako nang broadcasting room
Naglakad muna ako papunta Sa storage room ,pero pagpunta ko dun nag eensayo pala ang NZ Dancerz! Kaya lumabas agad ako!
"Asan kaya ngayon Si Christian?" Bulong ko Sa sarili ko!
Nag lakad lakad ulit ako Maya maya may humatak sakin Sa isang madilim na sulok, hindi ko maaninag yung mukha niya, parang bigla akong kinabahan, buti nalang nag salita siya, pero ang boses na yun kilalang kilala ko!
"Wag kang magulo! "Sambit niya sakin habang takip takip niya yung bibig ko!
Maya maya may dumaan na tao pero hindi ko nakita dahil hindi ko magalaw yung ulo ko!
Buti nalang binitawan niya agad!
"Rayven bakit kaba nang hahatak nang tao! Sino bang pinagtataguan mo hah? " pagmamaktol ko!
"Yung mga fan girls ko! Ewan ko ba Kung anong nangyayari sakanila panay nalang yung habol nila sakin mula Sa field hanggang dito Sa loob nang school! Mahirap pala talaga kapag gwapo ka no!"sambit niya
May pag ka feelingero din pala tong mokong nato!"Haha! Grabi ang lakas yata nang hangin! Madami ba yung pumasok Sa utak mo ngayon rayven! " pagbibiro ko!
"Bakit hindi ba ako gwapo hah?" Seryoso niyang tanong!
Biglang nagkaroon nang panandaliang katahimikan!
"Wag mo na ngang sagutin! Siguro nga hindi talaga ako gwapo para sayo! Hindi na ako mag papakuha nang picture baka kasi sabihin mo panget ako!" Bigla naman akong natawa mukha siyang bata!
"Uy! Biro lang! Gwapo kana OK! So OK na ba hah?!" Tanong ko
"Mag kita nalang tayo mamaya Sa field duon nalang ako mag papakuha nang picture! " sambit niya tapos ginulo niya yung buhok ko at umalis na siya!
Ako naman napahawak Sa buhok ko! Tapos naglakad nadin ako papunta Sa gym para manood nang performance nang NZ Dancerz!
Tumingin tingin ako Sa paligid pero hindi ko manlang nakita si christian! Asan kaya siya ngayon!
Maya maya nag perform na yung NZ Dancerz kaya nagsitilian yung mga tao Sa gym!
Ako naman pumalakpak lang at nanuod!Now playing: I NEED YOU By BTS
Ang galing pala talaga nila! Sayang wala si christian!
After nang performance nila umalis na ako, madami pa silang epeperform pero hindi na ako nanood, dumeretcho ako papunta Sa rooftop at duon ko nakita si christian, sumasayaw siya nabang nakikinig Sa headset niya!
Lumapit ako nang konti para mas mapag masdan ko siya sumayaw! Ang galing galing niya, bakit kaya hindi siya nag perform, pagkatapos nang sayaw niya pumalakpak naman ako agad,
Buti nalang napatingin siya sakin!
"Hi! Naomi anong ginagawa mo dito? " tanong niya habang naka ngiti!
"Bakit bawal ba kitang panuorin sumayaw hah?" Pagmamaktol ko!
Napahawak naman siya Sa ulo niya! Habang naka ngiti!
"Bakit hindi ka nag perform? " tanong ko!
Hindi naman siya kaagad nakasagot at bigla nalang may lungkot Sa mukha niya! Kaya lumapit na ako sakanya!
"OK ka lang ba anong problema?" Tanong ko habang hawak hawak yung pisnge niya!
Maya maya hinawakan niya yung kamay ko! Na nasa pisnge niya!
"OK lang ako wag kang mag alala! " sambit pa niya at pinilit niyang ngumiti sakin !
"Christian kong may problema ka pwede mo naman sabihin sakin eh! Makikinig ak---!"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil niyakap niya ako at may sinabi siya!
"Salamat naomi! Pero maiintindihan mo din Sa huli! " sambit niya! Hindi ko alam kong ano bang ibig sabihin niya dun, kaya hindi ako nagtanong pa, hinayaan ko nalang siyang umiyak habang yakap yakap niya ako!
Niyakap ko nalang din siya, kung ano man yung pinagdadaanan niya ngayon alam ko na kailangan niya nang masasandalan!
Maya maya nag vibrate yung cellphone ko at tinignan ko yun nag text sakin si rayven at pinapapunta niya ako Sa field, pero hindi ako pwedeng umalis dahil ayokong maiwan dito so christian na malungkot!
Tinago ko nalang yung cellphone ko Sa bulsa ko at niyakap ko nalang si christian hanggang ngayon kasi umiiyak padin siya!
Naaawa na ako sakanya , sana malaman ko man lang kung ano ba talaga yung pinagdadaanan niya! Baka may maitulong pa ako!
Umupo muna kami Sa isang sulok! Napagod kasi siya Sa kakaiyak niya! Pinunasan ko yung mga luha Sa mga mata niya!
"Wag mo akong iiwan hah! Dito ka lang muna! " sambit niya
"Oo! Dito lang ako hindi kita pababayaan! " sambit ko!
Kaya pinatong niya yung ulo niya Sa balikat ko at natulog siya!Maya maya may tumawag sakin si rayven, hindi ko sinagot dahil ayokong magising si christian at lalo na ayoko siyang pabayaan dito mag isa!
"Ill be here for you christian!" Bulong ko kaya hinawakan niya yung kamay ko! At patuloy lang siyang natulog!
--
Annyeong guys ツ
Hope u like this chapter!
Keep on reading guys!!
Enjoy!And one thing don't forget to vote!!!! Thank you ♡
#CHRISTIAN
BINABASA MO ANG
BoyInLuv
Teen FictionPaano kung ang isang babae na magustuhan mo ay puro nalang kamalasan yung dinudulot sayo, lalapit ka padin ba sakanya o lalayo ka nalang sakanya kahit gustong gusto mo siya? ♡♡♡ What do you choose???