Nowplaying: Dont Go by Exo
Naomi☆
Tumakbo ako papunta Sa loob nang school naiinis ako sakanilang dalawa ngayon ,habang tumatakbo ako papasok hindi ko na mapigilang umiyak!
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon! Iniisip ko kung tama ba yung sinabi ko kanina?
Nasaktan ko yata daine! Dahil narinig ko kanina lahat nang sinabi niya Kay rayven!
"Gusto ako nang kababata ko?" Bulong ko Sa sarili ko! Nalilito ako ngayon! Tama ba yung sinabi ko kanina na kaibigan ko lang talaga siya!
Pero yun lang talaga yung tingin ko sakanya! Akala ko kasi ganon lang din yung tingin niya sakin! Pero hindi pala nagugustuhan na pala niya ako!
Takbo padin ako nang takbo habang umiiyak ,hanggan makaabot ako Sa rooftop!
Umupo ako at pinatong ko muna yung ulo ko Sa tuhod ko! At duon ko lahat binuhos yung pag iyak ko!
"I'm sorry daine! I'm sorry! " sambit ko Sa sarili ko!
Bigla naman may nag angat nang ulo!,
"Naomi! " sambit niya kaya napatingin ako sakanya ,at napayakap ako habang hindi padin ako tumitigil Sa pag iyak!
"Sabihin mo sakin ang sama sama ko bang kaibigan? " tanong ko sakanya!
"Kahit kailan naomi hindi ka naging masamang kaibigan! Kung Ano man yang dinadamdam mo ngayon ilabas mo lang nandito lang ako! Pwede mong iiyak lahat nang nararamdaman mo ngayon! , nandito lang ako hindi kita pababayaan! " sambit niya habang yakap yakap din ako!
"Salamat! Salamat christian! " Sambit ko, siya naman hinihimas himas yung buhok ko para patahanin ako!
"Kailangan kong puntahan siya hihingi ako nang tawad Sa sinabi ko! Salamat christian! Mag kita nalang ulit tayo! " sambit ko ngumiti muna ako sakanya bago ako umalis!
Kumaripas ako nang takbo papunta Sa broadcasting room dahil duon ko lang naman siya makikita!
Pag bukas ko nang pinto bumungad naman agad sakin yung tatlo naming kasamahan! Pero wala dito si daine!
"Nakita niyo ba si daine? " panimula ko!
"Umuwi na siya! Dinala namin siya kanina Sa clinic dahil dumudugo yung kamay niya! Ano bang nangyari naomi? " sambit ni zack!
Natigilan ako noong sinabi niya na dumudugo yung kamay ni daine! Dahil nanaman ba sakin yun! Naramdaman ko nalang na may mga luha nang pumapatak mula Sa mga mata ko!
"Naomi ok ka lang Ano bang nangyari? " alalang tanong no leah habang malapit na siya sakin!
"Wala OK lang ako! " yan nalang yung nasabi ko at kumaripas ulit ako nang takbo papunta Sa labas nang school!
Pero hindi ko na siya naabutan!
"Sorry daine! Nasaktan ka nanaman nang dahil sakin! " sambit ko Sa sarili ko habang naka tayo lang Sa labas nang gate nang school namin! napabuntong hininga naman ako!"Naomi? " sambit niya kaya napatingin ako Sa tumawag sakin!
"Bakit ka umiiyak? " tanong pa niya!
"Wala to jay OK lang ako! Sige pasok na ako! " sambit ko at umalis na ako! Ayoko nang malaman pa niya kung anong nangyari,
--
Pumunta nalang ulit ako Sa rooftop! Wala nadin naman akong nasasandalan ngayon! Tanging si christian nalang ang pwede kong sandalan!
Pag punta ko dun nakita kong naka handusay si christian !kaya bigla akong kinabahan at lumapit na ako sakanya!
"Christian! Gumising ka! Christian? " sigaw ko habang niyoyogyug ko siya !
Bigla nalang tumulo naman yung mga luha ko! Ang dami nang nangyayari Sa araw na to naiinis na ako Sa sarili ko!
Humagolhol na ako Sa pag iyak! Naramdaman ko nalang na may pumunas nang mga luha ko!
"Naomi! Relax ka lang wala namang nangyari sakin,kaya wag ka nang umiyak! " sambit niya kaya pinalo ko siya!
"hindi na kakatawa yung ginagawa mo hah! " pagmamaktol ko! Umupo naman agad siya at tinignan niya ako nang napaka serioso Sa mga mata ko!
"Bakit?" Tanong ko!
"Sorry! " sambit niya!
"Bakit ka nag sosor---"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil niyakap niya ako!Nagulat naman ako Sa ginawa niya!
"M-may problema ba christian? " tanong ko pero hindi niya ako sinagot mas humigpit lang yung pagkakayakap niya sakin!
"Christian! " sambit ko uli!
"Naomi! Hayaan mo na muna akong yakapin ka ngayon! " sambit niya! Kaya hindi na ako nakapagsalita at hiyaan ko nalang siya na yakapin ako!
Naramdaman ko nalang na umiiyak siya ! Hindi ko alam pero parang nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang nagkakaganito!
Maya maya bumitaw na siya Sa pagkakayakap sakin at tumingin nanaman siya sakin!
Pinunasan ko yung mga luha niya! Dahil nasasaktan na talaga ako kapag nakikita ko siyang umiiyak!
"Ano bang problema christian? Bakit bigla bigla ka nalang umiiyak? " tanong ko pero ngumiti lang siya sakin nang pilit!
"Maiintindihan mo din naomi balang araw,pero hindi pa ngayon! Sana hintayin mo nalang ang mga araw na yun! Dahil alam kong maiintindihan mo din ang lahat! "
Hindi ko talaga maintindihan! Ano bang pinagsasabi niya! May sakit ba siya! Sa tono kasi nang boses niya para na siyang nagbibilin nang mga salita!,Niyakap ko nalang din siya! Ayokong nakikita siyang malungkot! Hindi ko kakayanin na mawawalan ako nang isang kaibigan ! Napamahal na din sakin si christian !
"christian! Kung ano man yang tinatago mo sakin ngayon ok lang maiintindihan kita ! Pero sorry hindi mo sakin maipagkakaila na hindi mag alala sayo dahil mahalaga ka nadin sakin!" Sambit ko habang yakap yakap ko pa din siya,napapaiyak na din kasi ako!
"Sorry naomi malalaman mo din ang lahat! Pero hindi pa ngayon!"Sambit niya
"Wag ka nang umiyak! Hindi ko din kaya na nakikita kang umiyak! Nasasaktan din ako naomi! " sambit niya habang pinupunasan yung mga luha ko!
Sinubukan kong ngumiti at ganon din siya! Kahit konti nababawasan din yung sakit na nararamdaman ko ngayon dahil Sa mga ngiti niya!
Kapag nakikita ko kasi yung mga ngiti niya nakaka wala nang sama nang loob!
Ewan ko ba para siyang may kapangyarihan, isang ngiti lang niya nakakagaan na nang loob!
Buti nalang nakilala ko siya! Siguro kong hindi! Wala akong nasasandalan ngayon!
Alam kong galit sakin ngayon si daine! Dahil Sa mga sinabi ko kanina!Ano bang dapat kong sabihin? Galit din ako ngayon Kay rayven dahil Sa ginawa niya sakin!
Ganito na ba talaga kamalas yung araw ko ngayon? Ang dami na ding nangyari sa mga araw nato pero tanging si christian lang yung nagpapagaan nang loob ko!
Masama ba akong kaibigan para kay daine? Sana mapatawad niya ako! :'(
DearKamalasan:
ang dami mong ginawa ngayong kamalasan Sa araw na to nakakinis ka na! Kailan mo pa ba ako lulubayan Ano bang kasalanan ko sayo bakit mo ako pinaparusahan nang ganito?--
Comment comment comment please!!! I need your comment about this chapter!!!
#Sorry:(
BINABASA MO ANG
BoyInLuv
Fiksi RemajaPaano kung ang isang babae na magustuhan mo ay puro nalang kamalasan yung dinudulot sayo, lalapit ka padin ba sakanya o lalayo ka nalang sakanya kahit gustong gusto mo siya? ♡♡♡ What do you choose???