"Sigurado ka ba rito? Baka mamaya niyan ay may inilagay ka pa lang lason," tanong ni Maurice habang isinusuri ang maliit na bote sa mga kamay niya.
"Of course! Wala namang mawawala kung susubukan mo 'di ba? You might want to thank me sa mga susunod na araw," pangungumbinsi sa kaniya ng kaharap na dalaga.
"I don't know. It's weird, you can't even explain to me scientifically kung paano nito," aniya at itinuro ang boteng hawak, "...mapapahulog ang loob ni Ross sa 'kin. Let me guess, another failed love potion? Ang dami nang nagta-try gumawa ng mga ganito. In fact, this is a one hell crazy idea!" pagrarason ni Maurice.
"Well, ikaw bahala. Like what I've said wala namang masama kung susubukan mo. Just one drop, Maurice..."
Wala namang masama kung susubukan. That somehow convinced her a little na subukan ang alok nito.
"Just one drop of that and things will be different. The way you always want it to be. Make Ross fall for you..." Huminto ito sandali at matalim na tinitigan ang dalaga.
"Also, don't you think it's about time to make it even? Make Macey kneel in front of you," suhestyon ng babaeng nagbigay sa kaniya ng maliit na bote.
Make Ross fall for you. Make Macey kneel in front of you. And those were the words her ears have been waiting to hear. Ang mga salitang iyon ang nakakuha ng atensyon ni Maurice. Iyon naman talaga ang gusto niya sa una pa lang. Iyon din ata ang mga dahilan kung bakit siya pumayag na makipagkita sa babaeng kaharap kahit na nawiwirduhan siya sa ugali nito.
"Pag-iisipan ko," sagot niya at saka tinungo ang exit ng silid.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...