8th Drop - The Witch

210 42 32
                                    

Nagpakawala muli ako ng isang malamim na hininga. Hindi ko na nabilang kung pang ilang beses na ba iyon.

Sa isang iglap, bigla na lamang gumulo lahat. Actually, magulo naman talaga ang buhay ko noon pa man, mas lalong gumulo siguro ang tamang sabihin.

"Oh," rinig kong tugon ng lalakeng nakatayo at iniabot sa akin ang isang canned juice. Itinaas niya muna nang kaunti ang sleeves ng kanyang pull-over shirt saka naupo sa bench katabi ko.

"Kalmado ka na?" pagtatanong niya.

Kalma na ba talaga ako? Kaya ko na bang makinig sa mga sasabihin niya? Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan.

Hindi pa rin gaanong nagsisink-in sa akin ang mga nangyari. Ipinikit ko ang aking mga mata at muling bumulik sa akin ang mga nangyari ilang oras lang ang nakalipas.

"Audrey, stop!"

Kung sino man ang sumigaw na iyon ay nagpapasalamat ako. Natigilan si Audrey na noo'y may plano na atang patayin ako.

"Loris..." sambit niya at dahan-dahan akong binitiwan. Iyong mga mata niyang kulay lilay na parang apoy ay bumalik sa normal nitong anyo.

"Audrey," pagtawag ulit sa kanya ni Chase. Palipat-lipat lang ang tingin ko noon sa kanilang dalawa. Gulong-gulo pa rin ako sa mga nangyayari.

Agad na tinungo ni Audrey ang exit ng CR ngunit dahil nakaharang si Chase rito, hindi agad siya nakalabas.

"Audrey," he called once again. There was something in his eyes habang tinatawag ang pangalan ng babae. His voice was tender, parang miss na miss na niya ito.

"I told you to leave me alone, Loris!" she yelled at marahas na tinulak si Chase.

He glared at me nang mawala na sa paningin namin si Audrey. Agad niya ako nilapitan at hinawakan ang magkabila kong braso.

"I told you to keep the bottle and never use it! Ang tigas ng ulo mo! Are you really that desperate?"

Wala akong naisagot at tila naestatwa pa sa kinatatayuan ko.

"A-about my parents, si Yui, si Ross... she doesn't mean that. It was just a joke, right? The thing about my loved ones? E-everything was just a joke, 'di ba?" nanginginig kong tanong. I held the side of his shirt, like I want him to tell me it was all just a dream. Sa palagay ko nga ay nagugusot ko na iyon. Ngunit patuloy lang siya sa pagsampal sa akin ng nakakatakot na realidad. 

"After everything you just saw, sa tingin mo joke time lang lahat ng iyon? Matapos mong marinig ang mga sinabi niya, matapos mong makita ang kaya niyang gawin at ang mga mata niya, sa tingin mo hindi niya talaga gagawin ang sinabi niya? Nilagay mo lang naman sa kapahamakan ang buhay mo at ng mga nakapaligid sa 'yo!"

I actually want to slap him kasi hindi ko naman hiniling iyon.

Pagkatapos noon ay hinila niya ako palabas. Hindi ko na nga nagawang pumasok sa klase. Malalagot ako, napaparami na ang mga absent ko.

"I'm sorry kanina," bulong niya.

Nilingon ko lang siya bilang sagot. Kagat-kagat niya noon ang itaas na bahagi ng kanyang labi. Diretso ang kanyang tingin at pinagmamasdan ang malawak na field ng CSM grounds.

"She's a witch," aniya. Kumpara kanina ay medyo kumalma na siya.

Pero ani ulit? A witch? Joke ba siya?

Napataas ang isa kong kilay dahil sa kanyang sinabi. "Sa tingin mo maniniwala ako? Witch? As in broomsticks, spells, cauldrons, and Harry Potter?" tanong ko. Kahit papaano ay kumalma na rin pala ako. Nagawa ko pang magtaray sa kaniya.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon