10th Drop - Cheerleader

164 33 31
                                    

Marahil ay tatakang-taka noon ang mga ka-banda ko kung bakit hindi ko man lang pinalo ang drums. Nakapako ang mga tingin ko sa noo'y nakangiting Macey. Gustong-gusto kong tagalin ang mga ngiting iyon. Naiingit ako, at alam kong hindi lang ito basta tungkol doon, naiinis, nasasaktan, at nadudurog ako nang dahil sa kanya.

Sa kalagitnaan ng kanta ay napagpasyahan ko nang umalis. Hindi kakayanin ng puso ko ang pagmasdan pa silang dalawa. Dahil alam ko na sasagutin niya si Ross, walang duda. Tinungo ko ang backstage at saka dumiretso sa may exit. Hanggang doon ay rinig na rinig pa rin ang bandang tumutugtog para sa isang proposal.

Naupo ako sa semento at saka pinagmasdan ang langit. Ang saya, nakikiramay ang kalangitan sa nararamdaman ko. Walang ni isang bituin ang makikita mo. Ilang sandali rin akong nakahangad lang hanggang sa marinig ko ang mga yapak na papalapit sa akin.

"Hoy," mahinang tawag ng boses galing sa likuran ko. Agad ko itong nilingon at nakita siyang nag-i-istretching habang papalit sa akin.

"Great, ngayon alam ko na kung bakit Chase ang ipinangalan sa iyo," sarkastiko kong sabi habang naupo siya sa tabi ko.

"Ha ha ha, very funny," sarkastiko rin niyang sagot.

"Ha ha ha, very sarcastic. Go away, Loris," paggaya at pagtataboy ko sa kanya.

"So, si Loris pala ako kapag naiinis ka. Anyways, I like it better when you call me Chase," bungad niya at inayos ang salaming noo'y nakasabit sa kanyang tainga.

I snorted and fixed my gaze once again at the colorless skies. "Whatever, anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang inaayos ang pagkakatali ng naka-fishtail kong buhok

"Fetching our little drummer girl na iniwan kami roon at nagpaka-selfish," bale-walang sagot ng katabi ko. He was sitting with one arm hanged on his knee while he used the other to support his body from leaning.

Ma-ooffend na sana ako ngunit napagtanto kong may point naman kasi siya.

"Sorry, I was just... so heart broken," nahihiyang sagot ko at napayuko.

"That's okay, wala namang mali kung mas piliin mo minsan ang nararamdaman mo. You have the right to feel the pain and be emotional. Normal 'yan, so you don't have to be sorry," pag-i-encourage niya.

Minsan ay napapaisip talaga ako kung saan niya nakuha ang talent niya sa pag-encourage. Naisip ko tuloy kung dati ba siyang cheerleader, may naitutulong din naman kasi ang mga sinasabi niya. He was so full of positivity.

"Parang kanina lang sinabi mo na ang selfish," pagsagot ko.

"Minsan 'di ka rin talaga makagets ng joke, noh? Loosen up a little, Reese," anito. Sa puntong ito ipinatong na niya ang kanyang parehong braso sa kaniyang mga tuhod.

If only Ross was that light on me, if only he was as approachable like him, kagaya ng noon. Siguro masaya ako ngayon. Even if he won't return the feelings.

"I saw anger past your pain earlier. What was that?" he curiously asked. Bahagya akong nagulat sa kaniyang tanong. May talent din pala siya sa pagbasa ng tao, nakalimutan kong Psychology student nga pala ang katabi ko.

"It was Macey," pag-amin ko. Ilang beses akong napabuntong-hininga bago nagpatuloy. Nagdalawang isip pa ako noong una kung ikukwento ko ba sa kanya, ngunit hinayaan ko na lang ang bibig ko na magpasya.

"Chase, she was the reason why my brother died," naiiyak kong tugon. There I said it. I just felt na kailangan kong sabihin iyon dahil ang bigat bigat na. Maybe it was not just the pain with Ross that's why I'm hurting, but it was also for my brother. I guess I never moved on, I was still mourning for him. It was a torture for me. To see the man I love with the woman who was the reason my brother died.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon