MAURICE'S POINT OF VIEW
Puting kisame't puting ilaw ang sumalubong sa mga mata ko nang ibuka ko ang mga iyo. Nalalanghap ko rin ang noo'y kaparehong amoy ng silid ni Audrey noong binisita namin siya.
Sinibukan kong ilibot ang aking paningin ngunit mukhang masamang ideya iyon dahil nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo.
"Ayos ka lang?" malamyang tanong ng lalaki sa tabi ko. Nang tignan ko siya ay punong-puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha.
"Sobrang sakit ng ulo ko," mahinang bulong ko sa kaniya. Sinubukan kong itayo ang sarili ngunit hindi ako naging matagumpay. Agad din naman niya akong tinulungan upang magawa iyon.
"Dahil sa stress daw sabi ng nurse," paliwanag ni Chase. Nakaupo siya noon sa katabing silya ng kamang kinaroroonan ko.
Stress. Nang marinig ko iyon ay atomatikong inalala ng isipan ko ang nangyari.
"Hey, please relax first," pagmamakaawa niya at hinaplos ang nakalugay kong buhok.
"Gaano ako katagal nawalan ng malay?" tanong ko sa kaniya habang iniayos ang pagkakasandal ko sa headrest ng kama.
"Tatlong oras, Reese," sagot niya sa akin.
Wow. Ganoon ka tagal.
Inalis ko ang tingin mula sa kaniya at ipinikit ang aking mga mata.
Iyong pakiramdam na dinudurog na puso, nararamdaman ko pa rin. Hindi ko alam kung paano magre-react sa nangyari't nalaman.
Ang sikip-sikip sa dibdib, parang hindi ko na alam paano hihinga.
"Reese," pagtawag niya sa akin kaya't binuksan kong muli ang aking mga mata upang makita siya.
May kinuha siya mula sa lamesang katabi ng kama at iniabot iyon sa akin. "Sabi ng nurse, ipainom ko raw ito sa 'yo kapag nagising ka na. Makakatulong daw sa sakit ng ulo iyan," paliwanag niya.
Agad kong tinanggap ang iniabot niyang gamot at baso ng tubig. Habang iniinom iyon ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na bote mula sa mesang pinanggalingan ng bigay ni Chase.
Saka ko lang napagtanto lahat noong naubos ko na ang baso ng tubig. Napatulala akong nakatingin sa basong pinag-inuman ko.
"Was that..." hindi ko matuloy na tanong sa katabi.
Ilang sandali bago niya nasagot ang katanungan ko, "Yes, sorry," bulong niya sa mahinang boses.
Tinignan ko siya't nakayuko na lang noon. Ramdam kong hindi para sa pagbibigay sa akin ng tubig na iyon ang sorry niya.
He was sorry sa mga nangyari.
Muli'y tinipon ko ang lahat ng lakas na natitira sa akin noon at sinubukang ibalik ang baso sa mesa. Nanginginig at dahan-dahan ko iyong ginawa.
"Did you know?" mahina kong tanong sa kaniya. Pati ang boses ko'y nawawalan na rin ng lakas.
Napaangat ang kaniyang tingin at inayos ang salaming nakasabit sa kaniyang mata. Ngunit kitang-kita ko ang lungkot niya na nahaluan ng pagtataka sa likod ng mga salamin na iyon.
Ilang segundo pa bago siya nagsalita. Tila hindi alam kung paano ako sasagutin sa tanong kong iyon. "Kanina ko lang din nalaman," pag-amin niya.
"Iyong potion na ibinigay niya kay Ross?" dugtong ko sa naunang tanong. Bakas sa boses ang panginginig habang naaalala ang nalamang katotohanan.
I just gave Ross a damn poisson.
"I... I... " putol-putol niyang sagot.
Bakit Chase? Please don't hurt me too. Please, huwag pati ikaw.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...