MAURICE'S POINT OF VIEW
Biyernes ng gabi noong mag-alok si Yui na mag-overnight ako sa boarding house nila. Agad din naman akong pumayag dahil marami-rami na rin ang utang ko sa kaibigan. Dali-dali akong humingi ng overnight slip mula sa dorm at ipinaalam sa mga magulang ko iyon.
Sa gabi ding iyon, habang nakatambay sa silid ni Yui, ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Chase.
From: Chase
Pumayag na si Audrey 😊 Ibibigay niya raw sa 'yo sa loob ng tatlong araw.
Basa ko sa itinext niya.
Tatlong araw mula noon. Kung ganoon ay sa Lunes. Marapat ko na sigurong ihanda ang sarili ko sa maaring maging reaksyon ni Ross. Sa mga maaring magbago.
Lumapit ako sa gawi ni Yui at ikinuwento ang tungkol doon. Nangako ako sa kaniya na hindi na ulit ako maglilihim, at gusto kong panindigan iyon.
"Maybe you could spend time with Ross ngayong weekend," suhesyon ni Yui.
Alam kong hindi talaga siya sang-ayon sa mga inaakto ko pagdating kay Ross but hearing her suggest that, gustong-gusto ko siyang ikulong na lang sa yakap buong araw.
Talagang naiintindihan niya ako at mahal na mahal ko babaeng ito. I sure did give her a hug and whispered, "Thank you, Yui."
"Basta't tama na pagkatapos nito, ha? Hindi mo na ipagpipilitan," paalala niya.
Tumango ako at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kaniya. We spend the rest of the night binge-watching movies mula sa laptop niya. Nagkwentuhan lang din kami hanggang sa nauna na siyang nakatulog.
Kinabukasan ay nag-aya ako kay Ross na gumala sa kung saan. Itinuring ko iyong panghuling pagkakataong pagbibigyan ko ang sarili.
"Ito pa oh," sambit ni Ross at inilapag na naman ang isang hiwa ng pizza sa pinggan ko.
Ngiting-ngiti siya at masayang-masaya raw dahil ako ang nag-aya sa kaniya.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Masusuot pa kaya niya ang ngiting iyon pagkatapos? Madadagdagan na naman ba ang rason kung bakit niya ako itinutulak palayo noon?
"KTV tayo pagkatapos?" pag-aaya niya bigla.
Mabilis ko namang itinango ang ulo ko sa kaniya bilang sagot.
But maybe I was more hopeful too. Lalo na noong nalaman kong nagpapanggap lang naman pala sila ni Macey.
Kaya ako pumayag. Dahil baka hindi lang din talaga kaibigan ang tingin sa akin ni Ross.
Noong pareho na kaming napagod at napaos kaka-kanta'y sunod naman kaming gumala sa people's park.
Naalala ko, madalas kaming gumala sa mga ganoon sa amin kapag bigla na lang kaming dinalaw ng inip. Lalo na tuwing bakasyon.
Pakiramdam ko ay buong buhay ko na siyang nakasama dahil sa mga memories namin noon. Napakalaking parte ang iniwan niya sa buhay ko. At hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon.
"Picture tayo dali,'' pag-aaya ko sa kaniya na agad din naman niyang pinagbigyan.
Pareho kaming pumwesto sa isang cute na rebulto ng paru-paru sa park at ngumiti sa harap ng camera. Matapos iyon ay nagpatuloy lang kami sa walang katapusang paglalakad.
Iginawi ko ang aking paningin sa gallery ng cellphone ko.
I should have taken more pictures with him. Dahil iyon, sigurado akong magtatagal at hindi magbabago.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...