21st Drop - How Can I Decide

112 27 7
                                    

Hindi ko ginugusto ngunit naroon ako sa iisang silid kasama ang taong – teka, hindi nga pala siya isang tao.

Nagawa akong kumbinsihin ni Chase na pumunta kaagad sa ospital. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa wirdong iyon dahil napapunta naman agad ako nito.

I even left Ross there confused and had only given him a sorry. I must be out of my mind.

Noong isang araw pa raw pala nagising si Audrey ngunit noon lang ito ibinalita ng kaniyang ina at kapatid. Nagpapahinga pa raw kasi siya.

Simula nang makapasok sa silid ni Audrey ay panay ang tago ko sa likod ni Chase. Marahil ay natatakot pa rin ako kay Audrey. Hindi ko pa rin naman ito masyadong kilala at baka may masama na naman itong gawin.

"Huwag mo siyang titigan ng ganyan, Aud. You're scaring her," saway ni Chase sa babaeng nakaupo sa kama.

Hindi nagbigay si Audrey ng sagot at ibinaling ang tingin sa akin. She was looking intensely at me which gave shivers to my spine.

"How come you two are a thing now? Aren't you supposed to be so in love with Ross?" she asked me.

"Akala ko ba kaibigan lang siya?" pagbaling nito ng atensyon kay Chase.

Imbes na sagutin ang tanong na iyon ng kaniyang kaibigan ay naupo si Chase sa katapat na silya ni Audrey. Sumunod naman ako at naupo rin sa tabi niya.

Maliwanag na maliwanag ang silid kahit na pababa na ang araw dahil sa puting mural at ilaw roon. Kaya naman ay mapapansing-mapapansin mo ang mga tingin na ibinibigay ni Audrey pati na ang hindi ko maipaliwanag na ekspresyon sa mukha niya noon.

Pakiramdam ko ay nahahalata niya rin ang takot ko.

"Kumusta pakiramdam mo?" pag-iiba ni Chase ng pinag-uusapan.

Nakatingin na noon si Audrey sa dextrose na nakatusok sa kaniyang kamay. "Better than ever. Who would have thought matagal na tulog lang pala ang kailangan ko," pagbibiro niya.

Chase leaned to my side at saka bumulong, "See? Okay naman siya e, relax ka na."

"Pero hindi ko maimagine kung gaano kalaki ang bill ko rito ngayon. Pwede naman nila akong inuwi na lang sana sa bahay," pagrereklamo ni Audrey habang sinusuri ang mga makinang nakapaligid sa kaniya. Hindi na iyon nakakabit sa kanya ngunit hindi pa iyon naaalis mula sa silid.

Sarkastiko namang sinagot ni Chase ang tanong na iyon ni Audrey, "As if papayag ang mga doktor."

"As if din malalaman nila ano talagang nangyari sa akin," Audrey snorted.

"Mas lalo kang mako-confine kung sakaling nalaman nila. Mapagkamalan ka pang baliw," natatawang sagot ni Chase saka ipinatong ang braso sa likod ng silyang kinaroroonan ko.

Hindi ko rin malaman kung bakit pa ako naroon at bakit ako napapayag ni Chase na pumunta. Mukhang nagkakamustahan lang naman sila. At mukhang nasisiyahan sila sa isa't isa. Parang wala ako sa silid na iyon.

Naging display lang ako roon sa loob ng kalahating oras na usapan nila Chase at Audrey.

Pakiramdam ko nga'y iyong kaninang takot at pangambang nararamdaman ko ay napalitan ng pagka-irita.

"Tigilan mo na ako, Loris. Get to the point," biglang sambit ni Audrey.

Pareho kaming nagtataka ni Chase kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Kanina lang kasi'y tungkol sa Simple Plan ang pinag-uusap nila, kaya't hindi ni Chase, at pati na rin ako na nakikinig lang, maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ha? Anong point?" nagtatakang tanong ni Chase. "Saang point?" dagdag niya pa.

Audrey stared blankly at Chase at pati na rin sa akin bago muling nagsalita, "Gusto mong alisin ko ang epekto ng gayuma kay Ross," dire-diretso niyang sabi sa kaibigan.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon