3rd Drop - Her Words

289 52 59
                                    

Hanggang sa makauwi ako sa dorm, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Audrey. Nakakacurious at nakakapagtaka lang talaga kasi.

Dahil sa sobrang occupied ako sa encounter namin nina Ross, Macey at Audrey, nakalimutan kong may responsibilidad pala akong itext si Yui. Sino ba naman kasing mag-aakalang sobrang daming mangyayari sa araw na iyon.

What a day.

Iti-text ko na sana si Yui na nasa dorm na 'ko ngunit naunahan ako nito. Biglang lumabas sa screen ng phone ko ang caller ID niya.

"Saan ka?" tanong niya. Rinig ko pa sa kabilang linya ang pag-echo ng samu't saring ingay. Isa sa mga nahagip ng tainga ko ay ang tunog ng bola ng basketball at mangilan-ngilang hiyawan. Mukhang nasa gym pa si Yui.

"Nasa dorm na 'ko," sagot ko sa kanya ay inilapag ang sarili sa single bed kong kama.

"Tara dinner. Baba ka na riyan, papunta na ako sa dorm," pag-uutos niya at kaagad na pinatay ang tawag. Napaka-bossy talaga ng kaibigan kong ito kahit kalian.

Nag-text ako na maliligo lang ako sandali at dito na lang siya sa room maghintay. Kaso noong natapos ako, wala naman akong nadatnang Yui na nakatambay sa kwarto. Nagtataka akong nagbihis at saka kumuha ng jacket bago lumabas.

Inip na inip na Yui ang sumalubong sa akin nang makababa ako mula sa second floor. Nakatikplop ang kanyang mga braso at diretso ang tingin ng kanyang singkiting mata sa kawalan.

"Nakalimutan mo na nga akong i-text kanina tapos ngayon pinaghintay mo pa ako rito at ipinain pa sa mga lamok," pagrereklamo niya at nagsimulang sumayaw-sayaw upang maiwasan ang mga lamok.

Natawa ako sa pinaggagawa ng katabi ko. Tinext ko naman siya kanina na sa kwarto na maghintay.

"Tinext kita na sa kwarto na maghintay. Baka hindi mo lang nabasa," paliwanag ko. Kinapakapa ko ang bulsa ng suot kong jacket upang masiguro na dala ko ang susi ng kwarto at wallet.

"Nabasa ko," pag-amin niya. Nagsimula na siyang maglakad at tinungo ang gate ng dorm na napapalibutan ng Santan. Kaagad ko naman siyang sinundan at sumabay sa kanyang mga hakbang.

"Oh? Tapos? 'Bat hindi ka pumasok?"

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin at hindi makapaniwala akong pinagmasdan. "Eh tanga ka rin naman eh noh? Nakalock ang room mo, paano ako makakapasok?" aniya at saka ako binatukan.

Napasapo ako sa noo matapos mapagtanto ang katangahan ko. Oo nga naman, paanong makakapasok si Yui, ni-lock ko iyong pinto tapos nasa CR pa 'ko.

Pinandilatan ako nito.

"Hehe, sorry," sabi ko rito at saka nag-peace sign. Umusog ako nang kaunti at mas lumapit sa kanya dahil bahagya akong nakaharang sa harap ng gate.

"Sorry mo mukha mo. Tara na nga, gutom na 'ko." Kaagad din naman akong sumunod sa kanya at umakbay dito.

Napagpasyahan naming sa cafeteria na lang sa loob ng campus maghapunan bilang mga batang nag-iipon. Mas magastos kasi kapag sa labas pa kami ng campus kakain since kailangan pang magtricycle palabas. Kuripot na kung kuripot.

Tumungo kami sa Kalimudan Lane, na ilang metro ang layo mula sa students dorm. Isa itong student center area sa campus na napapalibutan ng iba't ibang stalls maliban sa mga kainan. May mga nagbebenta rin dito ng school supplies pati na mga gamot upang mas maging convenient para sa mga estudyante.

Pumasok kami sa main cafteria at as usual ay punuan na naman ito. Mabuti na lang talaga at na-occupy namin kaagad ang huling bakanteng table. 

"Hi." Pareho kaming nagulat ni Yui. Sinong mag-aakalang dalawang beses akong lalapitan ng taong 'to ngayong araw?

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon