Pasado alas syete na noong matapos ang pagtatanghal. Sa kabutihang palad ay mayroong libreng hapunan sa event na iyon. Hindi namin alam na kasama pala iyon sa ticket na binayaran namin. Akalain mo iyon.
Nauna nang nagpaalam si Yui dahil may gagawin daw itong project. Dahil wala rin namang masyadong ganap sa mga klase ko kinabukasan ay napagtanto kong hintayin na lang si Chase habang nag-aayos at nagliligpit pa sila sa backstage.
Hindi naman nito hiniling na hintayin ko ngunit pakiramdam ko ay gusto ko itong kausapin. Ewan, sinunod ko na lang ang gustong gawin ng utak ko.
Agad akong nakita ni Chase noong makalabas siya ng assembly room.
"Hi! Salamat sa pagpunta," masaya niyang bati.
Nagbigay ako sa kaniya ng thumbs-up bilang sagot. Patay na ang main lights sa atrium ngunit natatanaw ko pa rin ang nakangiti niyang mga mata. Marahil ay proud na proud siya sa naging resulta ng event nila.
Napatingin siya sa kaniyang relo at bahagyang nagbago ang kaniyang ekspresyon nang mapagtanto ang oras.
"Ano, bibisitahin ko pa pala si Audrey," paalam niya.
Oo nga pala, si Audrey.
Hindi ko mawari kung ano iyong naramdaman ko nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko ay sumalamin ako sa naging ekspresyon niya.
Ang kaninang pagkasabik ay napalitan ng pagkalumo.
Ngunit para saan? Dahil naalala ko si Audrey? Dahil ayaw kong mawala ang bisa ng gayuma?
O dahil sa ibang dahilan?
"Sige, ingat ka. Didiretso na rin ako sa dorm," paalam ko sa kaniya at sabay na kaming naghiwalay ng direksyon.
Ewan ko at nalilito ako sa nararamdaman ko sa gabing iyon. Baka masaya lang ako para sa kaibigan ko.
Habang binabaktas ang daan patungog dorm, narinig ko ang pangalan kong tinawag ng boses na nahihingal sa pagtakbo.
"Reese!" rinig kong tawag nito.
Lumingon ako sa pamilyar na boses na iyon at nahagip si Chase na patakbong tinungo ang direksyon ko. May nakalimutan ba siya?
Nang mahinto siya sa aking harapan ay habol-habol pa niya ang kaniyang hininga. "Ano, baka gusto mong sumama," pag-aaya niya.
Sandali ko siyang pinagmasdan at saka sumagot, "Sige." Wala sa sarili kong ibinigay ang sagot na iyon. Alam kong may curfew sa dorm at paniguradong hindi na ako makakaabot kapag sumama ako sa kanya. Ngunit hindi ko alam dahil basta na lang agad nagbigay ng sagot ang bibig na iyon.
"Okay! Tara," aniya at sabay na kaming lumabas ng campus.
"Galing ko kanina 'no?" proud na proud niyang sabi. Kanina pa ito dada nang dada habang naghihintay kami ng masasakyang bus o dyip.
"Iyong keyboard mo iyong magaling at pinalakpakan ng mga tao. 'Wag kang masyadong mag-assume," pambabara ko naman sa kaniya.
"Gano'n? Sabagay, ako nag-train doon simula bata." Hinimas-himas niya pa ang kanyang baba habang sinasabi iyon. Tila binabalikan iyong panahong nagsasanay-kuno sila ng kaniyang keyboard.
Iba rin ang tama nito sa utak kung minsan. Some first impressions lasts talaga. Patunay itong isang ito. Weird pa rin kung minsan.
"Sira ka talaga," komento ko. Natawa na lang ako sa pag-iisip nito.
Sampung minuto pa ang lumipas bago kami nakasakay. Habang binabyahe ang daan patungong opsital ay nabigla ako nang isandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...