11th Drop - The Target

160 36 44
                                    

"Ross, saan mo 'ko dadalhin?" pagtatanong ko. Patuloy lang pa rin siya sa paghila sa akin at sobrang higpit ng kaniyang hawak.

"Sa next class," agad niyang tuon. 

Lalo akong nagtaka sa kaniyang sinabi.

"Ross, may one hour pa," mahina kong sagot. Sigurado ako noon na may isang oras pa talaga bago ang ODE class namin.

Sandali siyang napahinto at dahan-dahang binitiwan ang kamay ko. Nagpatuloy pa rin ito sa paglakad, ngunit hindi na mabilis kagaya ng kanina. Ako naman na medyo nalilito ay sunundan lang pa rin siya.

Humabol ako sa kaniyang mga hakbang at pinantayan ito. Bigla ay marahan niya akong hinilang muli at inilipat sa kaniyang kanan. Hindi napigilang isipin na baka ginawa niya iyon dahil nasa side ko ang daraanan ng  mga sasakyan. "Birthday ko the day after tomorrow," paalala niya na para bang hindi ko ito kilala at naging kaibigan ng ilang taon.

Ini-adjust niya ang pagkakahawak sa kaniyang bag habang palagpas na kami roon sa may mermaid statue ng CSM. "Let's go to an amusement park," anito.

I was lost for words. Bakit niya ako biglang niyaya? Hindi 'bat si Macey dapat ang una niyang sinabihan noon?

"May modeling gig si Macey bukas so we'll celebrate the day after tomorrow," sagot niya na para bang narinig niya ang tanong sa aking isipan.

He stopped on his tracks and faced me. "I'll see you at the bus stop bukas, 5 PM sharp."

Totoo ba lahat ng iyon? Si Ross, niyaya ako?

Napagtanto kaya nitong oras na para magkaayos kami? Na oras na para ibalik ang dati?


CHASE'S POINT OF VIEW

Sinubukan kong hanapin si Audrey sa loob ng library ngunit hindi ko na siya mahanap. Hindi ko rin siya mahagilap noong sinibukan ko siyang hanapin sa labas. Nawala na naman siya. Napakadaya niya, malamang ginamit na naman niya ang Transverse spell niya, lagi na lang sa tuwing iniiwasan ako.

Naisip ko ulit iyong payo ni Reese tungkol sa school records ni Audrey. Kaso hindi naman ganoon ka daling makuha iyon, napaka confidential ng data na iyon at hindi basta basta ipapamigay iyon ng registrar.

Wala rin akong kilala na medyo ka-close niya sa college para mapagtanungan. Kahit organizations na sinalihan niya mukhang wala.

Audrey, why are you such a runner? Nasaan ka ba?

Bahala na nga muna, may exam ako na dapat kong problemahin kinabukasan.

Kinabukasan, isang ngang madugong exam ang sumalubong sa akin.

"Dude, anong sagot mo doon sa number five?" tanong ng kaklase ko.

"50.7 to 87.8," sagot ko at saka isinabit ang draw string bag sa aking balikat.

"Ano? Hindiiii," pagsisisi nya na para bang sa tanong na iyon nakasalalay ang kaniyang buhay. Bahala siya, aalis na ako sa classroom na iyon, sumakit ulo ko sa exam.

Pagkalabas ay nahagip ng mga mata ko sina Reese at Mario na nasa hallway. Kagagaling lang din ata sa klase nila. Mas madalas ko silang nakikita sa tuwing after ng Stat 11 class namin. Hindi naman masyadong nakakasurpresa, nasa college kasi nila ang classroom ng klase namin sa general subject na iyon.

Biglang nahulog ni Reese ang mga dala-dala niyang papel. Lalapit sana ako rito upang tulungan ito ngunit naunahan ako ng hiya.

'Wag na, nandoon naman si Mario para tulungan ito.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon