22nd Drop - As Selfish As The Girl He Likes

94 25 5
                                    

CHASE'S POINT OF VIEW

Napangiti ako noong mabasa ang text na iyon mula kay Reese. Bakit hindi na lang niya direktang sinabi sa akin. Ang cute rin kung minsan ng babaeng iyon.

Madalas akong napapaisip kung ano ba talagang meron sa kaniya. There is really something odd about her. Something odd that makes me so drawn to her. Gustong-gusto kong mag-alala para sa kaniya kahit hindi naman kailangan.

She's so fragile and vulnerable, lalo na sa mga mahal niya. Kaya't hindi ko rin magawang pabayaan na lang siya.

I knew I was starting to like her. Ngunit alam ko ring para sa lalaking iyon lang ang mga tingin niya, kaya't habang maaga ay tinatanggap ko lang na magkaibigan lang kami.

Minsan nga lang ay nagmamalabis itong pakiramdam na ito kagaya nang noo'y pag-iwas ko sa kaniya dahil sa nakita ko sa mall. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kirot.

Had I met her in a different time, maybe I would have tried to pursue for these feelings.

Half-day lang ang klase ko sa kasunod na araw kaya't dumiretso na ako sa ospital upang bisitahin si Audrey. Hindi pa kasi pumapayang ang mga doktor na i-discharge na siya lalo pa't hindi pa rin nila matukoy ang dahilan ng pagka-comatose niya. Para namang matutukoy talaga nila.

Sinasabayan na lang iyon ng kaniyang ina at kapatid dahil baka mas magtaka ang mga ito kung ipagpilitan nilang iuwi si Audrey.

Pinagbuksan ako ng ina ni Audrey noong makarating ako sa harap ng silid nito. Tamang-tama raw dahil may dadaanan muna siyang importante.

Noong makapasok ako ay nadatnan kong kumakain ng mansanas ang babaeng payat.

"At bakit ka na naman nandito," pambungad niya sa akin.

"Ayaw mo no'n, nakikita mo ako araw-araw," sagot ko naman sa kaniya.

Nagbigay siya ng naiiritang ekspresyon at nagpatuloy sa panonood ng TV na nasa harap niya.

"Ba't ka ba laging nandito. Sa dami ng dapat gawin sa school, dito ka talaga tumatambay," pangingiral niya sa akin.

Iginala ko ang aking paningin sa loob ng silid at saka naupo sa dulo ng kama niya. "Basta, wala ka na roon," sagot ko.

"Anong wala, kwarto ko ito. Oh," aniya at nag-abot ng isang hiwa ang mansanas mula sa bowl na hawak niya.

Tinanggap ko ito at saka itinaas ang pareho kung paa upang makapag-Indian seat sa ibabaw ng kama.

"Pumayag na siya," panimula ko.

Agad niyang inialis ang kaniyang mga tingin mula sa pinapanood na palabas at ibinaling iyon sa akin. "Why are you even doing this for her? Alam mong mahal niya si Ross. Why just let them be," komento niya. Kinuha nito ang remote sa gilid ng kanyang kama at saka pinatay ang TV.

"Do you love her?" dagdag niyang tanong sa akin.

Tinitigan ko siya. Naiisip ko pa lang ang isasagot ko ay hindi ko na mapigilang mapangiti. "Masyado pa sigurong maaga para sabihin iyan. But I really like her. Hindi ko rin alam, I want to take care of her," pagtatapat ko sa kaniya.

"I don't know, I just want to make her feel better. That's all. At hindi niya mararamdaman talaga iyon kung patuloy na nasa impluwensya ng love potion si Ross. Kailangan niyang gawin ang tama," patuloy ko.

Alam kong malulungkot si Reese ngunit kailangan niyang harapin ang totoo.

Malay niya, mahal din pala talaga siya ni Ross. Nakaramdaman na naman ako ng kirot nang maisip iyon.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon