Pinagmasdan ni Audrey ang binata at dalagang nakatambay sa harap ng SOM building. Pareho silang abala sa isa't isa at hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kanila.
Nabigyan siyang pansin ng lalaki ngunit nilagpasan lang din siya nito ng tingin.
Mapait na napangiti si Audrey.
Basta't maayos sila. Ayos lang. Bulong niya sa sarili.
'Ayos lang'. Isa iyong kasinungalingan. Isang kasinungalingang siya lamang ang nakakaalam.
Inilibot niya ang sarili sa eskwelahang iyon sa huling pagkakataon. Inilibot niya ang sarili sa mundo ng mga mortal.
Dahil kinabukasan ay makakabalik na rin siya sa wakas sa kanilang mundo. Makakapasok na silang muli.
Ngunit hindi dahil binawi na ang kanilang parusa, ngunit upang isagawa ang pagdinig sa kaniya.
Pamilyar na siya sa mangyayari. Pamilyar siya dahil nasaksihan na niya noon ang parehong nangyari sa ama. Ang paghatol nila sa isang inosenteng nilalang sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa.
Ganoon din sa kanilang mundo. Mayroong tatsulok, at sa kasamaang palad ay nasa ilalim sila ng tatsulok na iyon.
Bukas, matatapos ang lahat. Matatapos ang lahat nang walang hustisya. Hustisya para sa kaniyang ama.
Ang tanging kasalanan niya lang naman ay sinubukan niyang lasunin ang isa sa mga anak ng miyembro ng kanilang konsehal. At siguro'y ang ilegal na pagpalit niya ng kaniyang buhay para sa kapangyahiran.
Kahit mayroon pang pagdinig ay alam niyang iisa lang din ang kahahantungan noon.
Bukas, paiinumin siya ng likidong itim. Kagaya ng pina-inom sa kaniyang ama.
At bukas, magwawakas ang lahat. Magwawakas ang lahat at tuluyan nang mabubura si Audrey sa parehong mundo.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...