CHASE'S POINT OF VIEW
After Audrey left, I tried calling Reese several times ngunit biglang hindi ko na ito matawagan. I tried to text her as well, but it won't damn send.
Mayamaya ay isang text ang natanggap ko mula kay Audrey, telling me I won't be able to contact Reese for a while. She was even sorry for it. Ganoon talaga siya ka determinado sa mga gagawin niya. I didn't know she could do that. Ni hindi ko nga rin alam up to what extent ang kaya niyang gawin.
I tried texting Mario to contact Reese at sabihing importante ito ngunit hindi siya nagre-reply at sumasagot sa mga tawag ko. I was running out of options and every second wasted ay baka may masamang gawin na si Audrey. Worst baka may mangyaring masama sa kaniya.
I immediately went back to the university para hanapin si Reese, but she was nowhere to be found. Kahit sa dorm ay wala ito.
I gave up looking for her that night. Siguro naman ay maghahanap ito ng paraan para i-contact ako kung sakaling may masamang nangyari. Kailangan ko lang sigurong palipasin muna ang gabing iyon.
Kinaumagahan ay si Reese kaagad ang unang pumasok sa isipan ko. Shet, para namang wala akong klase buong araw. Nakakainis dahil hindi ko man lang mahagilap kung nasaan ang babaeng iyon.
I grabbed my phone and tried calling her ngunit naunahan ako ng isang numerong tumawag sa akin. It was Mario.
"Hey, dude. Sorry I did not notice your text yesterday. May practice pala tayo mamaya. Doon mo na lang sabihin kay Reese kung ano iyon," bungad ng nasa kabilang linya.
"No, contact her now. I need to talk to her, Dude..."
"Teka, nandito na prof ko. May klase pa ako, maya na lang, bye!"
Dismayado kong ibinaba ang telepono. Pagkatingin ko rito ay may text pala akong natanggap mula kay Audrey.
I'm sorry, Loris
Mabilis na nag-iba ang tempo ng paghinga ko nang mabasa iyon. What did you do, Aud?
Agad akong naligo at nag-ayos para hanaping muli si Maurice. Patay talaga ako sa mga klase ko buong araw. Pangako magpapakabait ako at magiging mabuting istudyante pagkatapos ng lahat.
"Ma, alis na 'ko!" sigaw ko upang marinig ni Mama na nasa kusina.
Palabas na ako nang nag-ring ang telepono ko. Mula sa bulsa ay kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.
"Hello? Sino 'to?" sagot ko. Inipit ko muna sa pagitan ng aking tainga at balikat ang telepono saka yumuko upang itali ang aking sintas.
"Loris, si Chloe ito," sagot ng nasa kabilang linya.
Agad na nabuhayang loob ako nang malaman kung sino ang tumawag. Akalain mo nga naman, sa kakahanap ko sa kanila, sila pa ang nakahanap sa 'kin.
"Thank goodness, Ate Chloe. Napatawag ka?" hindi ko na naitago ang kaunting saya sa boses ko. Maybe they could help, at napakagood timing ng pagtawag niya.
"Loris, kasi..." Bigla akong kinabahan sa boses niya. Ilang segudong natahimik bago siya muling nagsalita, "Si Audrey..."
Agad na napalitan ng panlulumo ang panandaliang kasiyahang iyon nang marinig ko ang mga sunod na sinabi ng kapatid ni Audrey.
Ang noo'y mga paang patungo sana sa dorm upang makausap si Maurice ay kaagad na lumiko at patakbong tinungo ang istasyon ng bus upang dumiretso sa ospital na binanggit ni Ate Chloe.
Gustong-gusto ko noong ipalipad ang bus na sinasakyan. Nang makarating ako roon ay sinalubong ako ni Ate.
"I'm sorry I had to tell you this. Ikaw lang kasi ang kaibigan ng kapatid ko, ikaw lang din ang may alam ng sitwasyon niya," anito habang patungo kami sa silid kung nasaan si Audrey.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...