My last subject for the day ended. Sumulyap ako sa aking relo at eksaktong alas cuatro pa lang ng hapon. Sa pagkakaalala ko, four-thirty ang practice namin.
Napagpasyahan ko na dumiretso na lang sa Music Room kung saan kami nagpapractice. Nasa College of Humanities at Social Sciences building pa iyon kaya't mas mainam na maaga kong simulan ang paglalakad. Palabas ng College of Science and Mathematics building, hindi ko napigilang silipin ang isa sa mga silid na nadaanan ko.
I26-Laboratory Room 2. Basa ko sa signage na nakapaskil sa ibabaw na parte ng pintuan.
Sinilip ko ang silid at wala namang klase na nag-o-occupy nito. Wala rin naman si Audrey roon.
Napailing na lang ako. What was I even thinking? Ganoon na ba ako ka desperado? Halata namang pinagloloko lang ako ni Audrey.
I erased the thought at saka dumiretso na sa CHSS.
Si Mario pa lang ang naroon pagdating ko. Marahil ay may klase pa iyong iba naming ka-banda.
Tuluyan na akong pumasok sa malawak na silid. Triple ang laki nito kumpara sa mga normal na classroom sa loob ng university. Para na rin itong auditorium na may mga musical equipment at isang mahabang sofa sa gilid ng mini stage. "Uy," bati ko kay Mario.
"Yow. Nagtext nga pala si Dexter, malalate raw siya. May exam sila ngayon sa Psychology," baling niya sa akin habang busy sa kanyang gitara. Nasa parehong taon kaming halos lahat sa banda maliban kay Dexter na mas matanda sa amin ng isang taon. Pareho sila ni Mario na naka-assign sa Rhythmic Guitar.
"Sina May at Raven?" pagtatanong ko patungkol sa dalawang lovebirds. Si May ang vocalist habang ang nobyo naman nito ay toka sa Bass, tapos ako naman sa drums.
"May LQ iyong dalawa ngayon, pero magpapractice 'yon. Susunduin lang daw ni Rave si May pagkatapos ng klase nito," natatawa niyang sabi at nag-inat ng kanyang braso.
I nodded at naging tahimik na ang mga sumunod na minuto. Busy si Mario sa pagtotono ng kaniyang gitara habang ako naman ay paikot-ikot lang ang tingin sa loob ng silid. Binibilang ko lang noon ang kabuuang numero ng mga silya sa loob ng Music Room.
"Okay na kayo ni Ross?" biglang tanong ni Mario. Saan naman nito nakuha ang impormasyong iyon? Sana nga lang ay totoo.
Walang malay kong sinuklay-suklay ang magulo kong bangs saka umiling sa kanya ako bilang sagot. Kaklase ko nga pala noong high school ang kakambal ni Mario kaya't kahit papaano ay may kaunting alam ito tungkol sa amin ni Ross. Nakwento siguro sa kanya ng kapatid niya. Kalat ba naman kasi sa buong batch namin ang nangyari.
"Talaga? Nakita kasi kayo ng kakambal ko kahapon. Sabi ni Clara sabay raw kayong nagdinner tapos tinititignan ka rin daw nito habang kumakain," aniya na para bang sobrang naiintriga siya sa buhay namin. Mas chismoso pa ata 'to sa kakambal niya.
Pero ano raw? Ako? Tinititigan ni Ross habang kumakain? Bakit wala man lang nabanggit si Yui sa akin? Ito ba 'yong ibig niyang sabihin doon sa sinabi niyang ang lakas magbigay ni Ross ng false hopes? Nakayuko lang din kasi ako the whole time kaya hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Mario.
Pero nakakainis kasi pinaasa ako ng sinabi niya'ng iyon.
Pero ano naman ngayon kung tinignan ka ni Ross? Malamang kasi may mata siya. Pinapaasa mo lang ang sarili mo, Reese. Pagkontra ko sa sarili.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga ka-banda namin. Agad ko ring itinali ang katamtamang haba kong buhok, kinuha ang drumstick mula sa bag at nagsimula na kaming mag-practice.
Alas otso na nang matapos kami. Medyo napahaba ang practice namin, nakalimutan na nga naming mag-dinner.
Palabas na kami ng building nang biglang hindi ako mapakali.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...