"Reese?" muling pagtawag ni Yui sa akin.
Ilang sandali akong natahimik, pinagdedesisyonan kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o maghahanap na lang ako ng palusot.
Inilipat ko ang tingin kay Chase, at doon, sa mga tingin niyang iyon ay napagtanto kong dapat ko nang ikwento kay Yui ang lahat.
Always choose to be honest. Naalala kong sabi niya. Ewan ko dahil hindi ko akalaing magiging malaki ang epekto ng salitang iyon sa akin.
Maybe because I have been lying too few times. Kahit sa sarili ko.
"Aalis ako kung kailangan niyong mag-usap," paalam ni Chase. Ngunit bago pa man siya makatayo mula sa kaniyang pwesto ay pinigilan na siya ni Yui.
"At saan ka naman pupunta aber? Mukhang may alam ka at mukhang may itinatago kayo sa akin so maupo ka," pananakot niya rito.
Minasahe ko ang likod ng aking leeg habang pinapakiramdam ang mood ni Yui. I closed my eyes and decided to tell her the truth.
Tahimik lang si Yui habang pinapalawinag ko sa kaniya ang tungkol sa narinig niya. Mabuting ideya na rin na hindi niya pinaalis si Chase dahil tumutulong ito sa pagpapaliwanag at pagkukwento sa mga nangyayari.
Pareho kaming naghihintay ni Chase sa magiging reaksyon ni Yui. Hindi naman kasi madaling paniwalaan ang lahat ng iyon kaya't alalang-alala ako sa magiging reaksyon niya.
She was unbelievably silent. Kaya't hindi ko sigurado kung ano na ang iniisip niya o kaya'y paniniwalaan niya ba kami.
Mayamaya kong ini-examine ang kaniyang mukha, naghihintay ng reaksyon. Ngunit tahimik lang talaga siyang nakikinig habang nakatitig sa mga paa niyang kanina pa niya mahinang iginagalaw-galaw.
"I knew it." Noong magsalita ito ay mas kami pa ang nagulat.
"Naniwala ka? Agad?" pagtatanong ni Chase. Naramdaman ko pang inilapit niya ang kaniyang ulo sa akin mula sa kaniyang pwesto sa likuran.
"Bakit, hindi ba totoo?" pagsagot naman ni Yui sa katanungan ni Chase.
"Totoo iyon. Pero totoo? Naniwala ka kaagad sa amin?" hindi makapaniwala kong tanong.
Sumandal ito sa mesa na nasa likuran ng bench na inuupuan namin noon.
"I know, amazing talaga ako," papuri niya sa sarili. Nangang-nganga pa rin ako habang sinasabi niya iyon.
"Classmate ko siya sa Philo 1, at nabalitaan ko ring na-comatose raw siya kaya siya nawala bigla," ungad niya habang nilalaro ang kaniyang mga kuko naman noon.
"I saw her do something weird gamit ang kamay niya sa isang klase namin. Tas biglang binawi ng prof namin iyong quiz sana na ibibigay niya. 'Di ko naman na inisip kasi baka guni-guni ko lang," pagpapatuloy niya.
Nagpakalawa si Chase ng kaniyang maamong tawa na parang aliw na aliw sa narinig.
"Funny, same old Audrey," rinig kong bulong niya.
Hindi ko iyon gaanong nabigyang pansin dahil abala pa rin ako sa pag-figure-out kung bakit iyon ang ibinigay na reaksyon ni Yui.
How can she act so cool about it?
"But Reese," pagtawag niya sa akin. Naging mas seryoso na ang tono niya kaya't nahinto rin si Chase sa pagtawa.
"What I'm concern about ay iyong kay Ross. I know I can't blame you though. At kung alam mo lang, gustong-gusto kong turaan ng leksyon ngayon na rin iyang si Audrey for dragging you into this mess." Tinignan niya ako sa mga mata habang binabanggit ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...