30th Drop - Start Anew

135 22 5
                                    

Nagising ako dahil sa napakasakit kong ulo. Parang puputok iyon sa sobrang sakit.

Napabalikwas ako nang bangon noong makitang alas otso na ng ugma. Male-late na ako noon sa klaseng kong eight-thirty.

Dali-dali akong pumasok sa banyo at para na lang nagwisik-wisik ng tubig saka mabilis na nag-ayos.

Pagkababa ko mula sa ikalawang palapag ng dorm ay naabutan ko si Chase na naghihintay sa may lobby. Nakatalikod siya sa akin at suot pa niya ang grey three-fourths na bigay ko sa kaniya bilang late Christmas gift noon.

"Hoy, tara," mabilis kong sabi at kinuha ang kamay niya palabas ng dorm. Nasa parehong building ang klase namin sa oras na iyon kaya't tuwing Miyerkules at Biyernes ay sabay na kaming tumutungo sa School of Management building.

"Hindi ka na naman nag-agahan," aniya habang binabaktas namin ang daan. Nagbigay ako ng peace-sign at sinuklay ang buhok kong noo'y hindi pa naayos.

May hinablot siya mula sa kaniyang bag at tumambad sa akin ang sandwich na malinis na nakabalot sa isang table napkin. "Oh, sa iyo na lang," tugon niya.

Kinurot ko ang pisngi niya dahil sa ginawa. "Thank you!"

If I know, itinabi niya talaga ito para sa akin. Alam kasi niyang hindi ako masyadong nakakapag-agahan.

Mayamaya ay pinahinto niya ako sa paglalakad, nagtataka ko siyang tinignan at laking gulat ko nang bigla na lamang siyang yumuko.

Saka ko napagtantong inaayos niya pala ang sintas ng maroon kong sneakers. Hindi ko na siguro naayos iyon dahil sa pagmamadali. Walanghiya, akala ko magpo-propose siya.

Napatingin ako sa kaniya nang maigi habang ginagawa iyon. Hindi ko pa siguro nasasabi ng direstso, ngunit halata namang may pagtingin ako sa kaniya.

Ewan, siguro nagsimula iyon noong una ko siyang makita nang ipinakilala siya ni Mario sa banda. Tapos narinig ko pa siyang tinugtog ang paborito kong kanta.

Hindi ko rin sigurado kung crush pa lang ba o ano. Pero masyado pa sigurong maaga para sabihing in love na ako sa kaniya. Ngunit pakiramdam ko'y papunta na ako roon.

Noong nakarating na kaming pareho sa building na napapalibutan ng glass na mga wall at bintana ay agad din kaming naghiwalay, nasa second floor pa kasi ang klase niya samantalang ako ay nasa first floor lang.

Matapos ang klase namin, nadatnan ko na naman siyang naghihintay sa akin. Madalas ganoon ang ginagawa niya. Ewan ko kung ano ba talaga ang meron sa amin. Wala namang gustong mag-open tungkol doon.

"Kumusta na nga pala kayo ni Ross?" bigla niyang tanong habang nakatambay kaming pareho sa labas ng SOM building. Mayroon pa kasing isang oras bago ang susunod kong klase.

"Ewan, galit pa rin siguro sa akin dahil sa nangyari noong high school. Ang childish lang, ginamit pa si Ate Macey. Pero mukhang okay naman na siguro kami ngayon, iniiwasan nga lang pa rin ako," dire-diretso kong sagot habang iniinom ang baon kong Dutch Mill.

Mayamaya ay naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko kaya't hinablot ko ito mula sa bag. Napansin ko ring iyon ang ginawa ni Chase.

At tama nga ang hinala ko dahil nag-text si Mario, pinapaalala ang practice namin mamaya.

"Kulit ng lahi nitong kaibigan mo," bulong ko sa katabi. Tumawa lang siya bilang sagot at sumandal sa balikat ko.

"Sagutin mo na 'ko," mahina niyang bulong.

Napaisbog ako dahil sa sinabi niya kaya't bahagyang nahulog ang kaniyang ulo na noo'y nakapatong sa balikat ko.

"H-ha? A-ano?" nauutal kong tanong.

Humarap siya sa akin at tinignan ako ng seryoso sa parehong mata, "Ang sabi ko, kalian mo ako sasagutin. Ilang buwan na akong nanliligaw. Ano? Yes? No? Maybe? Not yet?" nakangisi niyang tanong at isinasayaw-sayaw pa ang kaniyang mga kilay. Ang cute lang.

Pero teka, hindi naman ako na-inform na nangliligaw pala siya. Bakit ko naman siya sasagutin?

"Nanliligaw ka pala?" naaaliw kong tanong. Totoo rin naman kasing wala siyang nasabi sa akin at wala kaming napag-usapang ganoon.

Bumagsak ang mga balikat niya at nagbigay pa ng malungkot na mukha. Tinawanan ko lang iyon, tumayo sa kinauupuaan naming semento, at iniwan siya roon.

"Uy! Saan ka pupunta?" rinig kong kong tawag niya ngunit kumaripas na ako ng takbo at tumakas.

Hanggang nakapasok na ako ng CSM building para sa susunod kong klase ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mukhang ibinigay ni Chase matapos marinig ang tanong ko.

Para siyang batang hindi nabilhan ng laruan, sarap kurutin ng pisngi.

Napagpasyahan kong tatambay na lang muna sa mga bakanteng klasrum dahil 30 minutes pa naman bago ang sunod kong klase.

Habang naglilibot at naghahanap ng matatambayang klasrum ay napadaan ako sa isa sa mga Laboratory room ng Biology department.

Napahinto ako sa harap noon at hindi ko matukoy kung bakit iba ang pakiramdam ko sa lugar na iyon.

Parang ginawa ko na rin iyon dati, ang maestatwa sa harap ng Laboratory Room, parang de ja vu.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na sa mga hakbang ko.

***

"Nandito na iyong dalawang walang label," kutya ni Mario noong makapasok kami ni Chase sa loob ng silid. Hindi namin naipareserve ang Music Room noon kaya't kina Dexter kami dumiretso noon para sa practice.

Inirapan ko lang ito at hindi pinansin saka nagsimula na ang magpractice.

"Cause I'm never going down,

Never giving up,

Never gonna leave so put your hands up,

If you like me,

Then say you like me..."

Kanta ni Chase sa Say You Like Me ng We the Kings. Aba't pasulyap-sulyap pa talaga siya sa direksyon ko habang kinakanta iyon. Kahit natatawa ay ipinukos ko na lang muna ang sarili sa pagpalo ng drums.

'Say you like me' pala ah. Mamaya ka Chase Loris Clemente, hiniling mo ito. Gugulatin kita.

Muli akong napalingon sa direksyon niya at nagbigay ng kindat, na siya namang ikinanganga niya at natigil sa pagkanta. Pati na rin ang mga kasama namin ay nagtaka sa biglang pagtigil ni Chase.

Habang tawang-tawa sa aking isipan ay napangiti ako.

This guy is really something.

Ano bang nagawa ko't ang payapa ng buhay ko? Minsan naiisip kong hindi ko deserve ang mga bagay na nasa akin. It's too good to be true.

'Di bale na.

Baka may mabait lang akong fairy goodmother o hindi kaya'y may mga magic na naganap sa buhay ko.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon