"Maurice, gising na!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.
I glanced at the wall clock habang kusot-kusot pa ang kanang mata.
Five-thirty pa lang ng umaga. Sa tuwing nasa bahay talaga ako ang aga kong nagigising dahil sa aking ina. Lagi pa nga nitong nauunahan ang alarm clock ko. Wala naman akong ibang choice kung hindi ang bumangon at gawin ang aking morning routine. Kapag kasi sinabi ni Mama na gising na, gising ka na dapat.
Noong elementary ako, minsan niya akong nabuhusan ng isang tabong tubig. Tinatamad kasi akong bumangon noon kaya iyon ang napala ko.
Pagkalabas ko mula sa kwarto, naabutan ko si Papa na nagkakape habang busy naman si Mama sa paghahanda ng agahan.
Lumapit ako sa aming 6-seater table at naupo sa katapat na silya ng kay Papa. Itinali ko sa isang magulong bun ang aking buhok at saka hinila paitaas ang magkabilang sleeves ng oversized shirt kong suot.
"Good morning, Pa," bati ko sa ama.
"Good morning, Ma," dagdag ko nang makalapit si Mama at inilapag ang isang plato ng itlog sa mesa.
"Dapat kasi hindi mo na muna ginising si Maurice, alam mo naman na kaninang madaling araw lang 'to dumating," sabi ni Papa gamit ang malambing niyang boses. Ngunit inirapan lang ito ng aking ina at sininghal ang makitid niyang ilong na siyang minana ko mula sa kanya. Napakunot ang aking noo sa nakita.
Inilapit ko ang sarili sa aking ama at bumulong dito, "Ang sungit ata ni Mama ngayon. LQ kayo, Pa?" pagtatanong ko.
Tumawa siya bilang sagot at inibaba ang mainit na baso na kanina ay nakatakip sa kaniyang bibig. Noon ko lamang napansin ang ilang namumuting buhok ng aking ama pati na ang mga balbas niya.
"Wala lang iyon, Anak. Dapat kasi hindi ka na muna umuwi last weekend, dapat nagpa-miss ka muna sa Mama mo. 'Di ka tuloy nilambing ngayon," pagbibiro niya at nagpakawala ng tawang halos ay katunog na ng kay Santa Claus.
True enough, kaya siguro hindi pa ako gaanong nami-miss ni Mama. Wala rin naman akong choice, naiwan ko kasi ang laptop sa bahay last week kaya napauwi ako nang wala sa plano.
Padabog na lumabas si Mama mula sa likod ng asul na pader na siyang naghahanti sa aming dining area at kusina. "Heh! Sinisi mo pa si Maurice," daing ni Mama at saka naupo sa tabi ng aking ama. Naupo ito sa duluhan ng mesa kaya't katabi ko na rin siya noon. Sa bahay kasi, si Mama ang nauupo sa dulo, hindi ang aking ama kumpara sa karaniwang table setting.
"Kung hindi mo kasi sinira ang favorite 'kong measuring cup, bati sana tayo ngayon," pagmamaktol niya habang nililipat ang ulam sa ceramic na platong hawak.
Napasimangot naman si Papa sa mga sinabi nito. I mentally laughed. Feeling teenagers din talaga minsan kung mag-away itong mga magulang ko.
"Hindi ko naman sinadya e. Ang tanga kasi ng measuring cup mo kaya ayon nabasag," pagrarason ng magaling kong ama.
Ang haba na siguro ng buhok ng measuring cup na 'yon dahil pinag-aawayan ito ng mag-asawa.
Huli atang nagamit ang cup na 'yon noong umuwi ako last weekend. Noong nag-bake si Mama ng brownies, iyong brownies na ipinabaon niya sa akin.
... at iyon ding brownies na tinanggihan ni Ross.
Si Ross na naman.
Umiling-iling ako at kinumbinsi ang sarili na tigilan na muna ang pag-iisip kay Ross. Sa pag-iling kong iyon, napansin ko ang bakanteng silya sa tabi ko.
"Ma, anong oras tayo pupunta kay Kuya bukas?" Natigil ang dalawa sa pag-aasaran at ilang sandaling natahimik ang paligid.
"Pagkatapos ng misa bukas, Anak," si Papa na ang sumagot. Tumango ako at ngumiti sa kanila.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...