15th Drop - The Saddening Truth

138 32 38
                                    

Napatili ako nang mabasa ang text ni Ross.

Good morning, Reese

Kahit na ilang araw na siyang ganoon ay hindi pa rin ako nasasanay. Madalas din naman siyang mag-text at mag-chat sa akin ng ganoon noong highschool ngunit naninibago pa rin ako.

Napahiga ako sa kama at saka idinikit ang hawak kong cellphone sa ibabaw ng dibdib.

If this is indeed not right, why does this feel so good? Tanong ko sa isipan.

Then and there I started to overthink how the next days would turn out.

Hihiwalayan na kaya niya si Macey? Paano ko ba sasabihin kina Mama kapag naging kami na? How would Yui react? How about Chase? Isa-isang pumasok sa isipan ko ang mga iyon at nasampal ko ang sarili dahil dito. Nakakatakot na talaga ang mga naiisip ko.

Wala rin naman akong magagawa hangga't hindi pa nagigising si Audrey. And although I was hesitant dahil a part of me ay ayaw bigyan ng antidote si Ross, I still want her to wake up for Chase.

Pinilit ko na lamang alisin ang mga iyon sa isipan at naghanda para sa klase ko sa araw na iyon.

"Reminders for your midterm exam next week," anunsyo ng propesor namin sa Mathematical Modelling habang isinusulat ang schedule ng exam sa pisara.

Rinig ko ang samot-saring reaksyon mula sa mga kaklase. Ayan na, papalapit na naman kami sa hell months and weeks para sa semester na iyon.

At dahil din sa papalapit na midterms ay hindi na gaanong magiging active ang banda. Tutugtog pa rin naman kami ngunit madalang na lang, priority pa rin namin ang kanya-kanya naming academic fields.

"Oy, group study sa boarding house namin mamaya," pag-aaya ni Mario sa akin at sa iba pa naming ka-blocmates.

That was what I really found amazing sa blockmates ko. No competition, laging nagtutulungan. And I mean in a good and honorable way. Our university's tagline is "Honor and Excellence", and honor always comes first before excellence. We always have that in mind.

We really find group studies effective. Siguro noong highschool ay madalas na hindi effective iyong ganoon. Nauuwi kasi kadalasan sa pag-o-overnight lang at pakikipagchikahan sa mga kaibigan. But college is different. Hindi naman talaga siguro nawawala ang kulitan at kwentuhan sa tuwing may group study meetings pero mas priority ninyo na siguro iyong study talaga. We try to fill-in and teach topics na hindi maintindihan ng iba and vice-versa. It's a give and take scenario.

"You coming?" pagtukoy ni Ross sa aya ni Mario.

"Yep, always present," sagot ko rito.

Inagaw niya ang bag at mga gamit mula sa kamay ko. "Tara," aniya habang inaayos ang mga papel na inagaw niya mula sa akin.

"Miracles do happen," biglang bulyaw ni Mario. Nakalimutan kong nasa harapan pala namin ito. Nahuli na nga pala siya sa balita. Wala namang kaso sa iba ang biglang pagiging close ko kay Ross dahil wala naman silang alam tungkol sa mga nangyari sa amin. They just found it as a friendly gesture.

"Stop staring, tara na sa library," sagot ko kay Mario.

Naramdaman kong lumapit ito sa akin at saka bumulong, "Totoo, ayos na kayo?"

"Sa tingin mo? Chismoso mo talaga, tara na nga," sagot ko at nagsimula nang maglakad.

"Pero bakit parang iba? Hindi ba nagseselos ang girlfriend niyan? Parang boyfriend mo umasta," komento ni Mario habang dikit na dikit pa rin sa akin.

Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Paano ko ba sasagutin iyon?

"Hindi naman. Alam naman ng girlfriend niya," mabilis kong sagot, pinagdarasal na sana ay bilhin ni Mario ang sagot ko at tigilan na ang pagtatanong tungkol dito.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon