27th Drop - Her Calm After the Storm

98 22 7
                                    

Nagrerebelde na ata siya. Nagrerebelde na ata si Chase. Biglang hindi na talaga siya nagpapatinag at sige lang sa pagsulpot lagi sa harapan ko.

On average, nakikita ko ang mukha niya every three to four hours. Walang palya.

"Oh," aniya at nag-abot ng yakult naman noon. Katatapos lamang ng klase namin at nadatnan ko siyang naghihintay sa tapat ng silid.

Tatlong magkakasunod na araw na niya iyong ginagawa. Nagbibigay ng kung ano-ano pero madalas sa mga binibigay niyang iyon ang Reese's na tskolate na sa palagay ko ay paborito niya. Mukha marami kasi siyang stock noon.

Mukhang wala rin namang epekto ang pagtaboy ko kaya't hinayaan ko na lang.

Panghuling klase na namin iyon kaya't sabay na kaming tatlo nina Chase at Mario na tumungong CHSS para sa praktis. Kaming tatlo pa lang naroon at nakapatay pa ang ilaw ng silid nang makarating kami.

Agad na pumwesto si Mario at inayos ang tuno ng kaniyang gitara. Si Chase naman ay naupo sa sofa katabi ko habang ako naman ay pinaglaruan ang drumstick na bigay niya sa akin.

Biglang yumuko si Chase at kinuha ang bag kong nakalapag sa sahig. Aba't aakalain mong siya ang may-ari, hindi man lang nag-abalang magpaalam.

May kung ano siyang hinanap mula sa bulsa ng bag ko, at noong mukhang nakita na niya iyon ay kasunod niyang kinuha ang suklay mula sa kabilang bulsa ng bag.

"Hoy, anong ginagawa mo," pagsaway ko ngunit alam ko namang huli na nang gawin ko iyon.

Hindi niya ako sinagot at nakapukos lamang sa kaniyang ginagawa. Lumipat siya sa harapan ko at kumuha ng bakanteng silya upang mapantayan ako.

Agaran niyang sinuklay ang maaalon kong buhok saka iyon inayos upang maitali sa isang ponytail. Kasunod niyang napagtripan ang bangs ko at inayos ang pagkaka-clip noon.

"Ganda," bulong niya.

Gusto ko siyang hamapasin ng pagkalakas-lakas dahil sa sinambit. Pakiramdam ko'y sobrang pula ko na noon sa hiya. At naroroon na naman ang irregular na tibok ng puso kong iyon.

"LoReese," rinig naming pareho ni Chase. Sumisipol pa ang patay-malisyang Mario.

Bakit ba siya ganito. Nakakainis.

Sasagot pa sana si Chase ngunit biglang dumating na sina Raven, May at Dexter kaya't mas pinili na lang namin na magsimula nang magpraktis. Excited na ako para sa event namin Huwebes next week.

Biyernes, kinabukasan ay nakatanggap ako ng magandang balita na wala kaming klase buong araw dahil sa emergency faculty assembly na ipinatawag ng College Dean.

Sa kasamaang palad nga lang ay nakatanggap kami ng samo't saring take home quiz at assignments.

Matapos gawin ang isa sa mga iniwang activities ng prof ay tumungo ako sa college namin upang i-submit at iwan iyon sa kaniyang table.

Dahil din masyado pang maaga para sa practice ay napagpasyahan kong tumambay na lang muna sa rooftop ng CSM building.

Ngunit mukhang masamang ideya iyon dahil nadatnan ko roon si Ross na nakadungaw sa isang sulok ng CSM grounds.

Marahan akong umatras ngunit agad din ako niyang napansin dahil sa naapakan kong tuyong dahon. "Reese," pagtawag niya sa akin. Punong-puno ng pangungulila ang kaniyang boses.

Sumuko na ako noong makita ang malungkot niyang mukha. Hindi ko rin naman siya maiiwasan habang buhay.

Then and there, I let my guards down.

Hindi ko siguradong mapapatawad ko na siya kaagad o kaya'y maiibsan iyong sama ng loob ko.

Katatapos lang ng bagyo, hindi ganoon kadaling makabangon doon. Ngunit gusto ko pa ring subukan. It's useless na i-deny ko pa sa sarili ko na hindi nangyari ang lahat ng iyon. Might as well face these demons and deal with them. I know I'll have to.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon