2nd Drop - Weird

386 52 93
                                    

Medyo napahaba ang kwentuhan namin ni Yui kaya't hindi namin namalayang late na pala siya para sa practice nila sa varsity.

"Hala!" gulat niyang tugon habang nakatingin sa relo. Agaran siyang napatayo at pinagpag ang pantalong suot.

"Reese, pwedeng mamaya na lang ulit? Late na kasi ako sa practice, patay ako nito kay Coach," paalam niya. Patuloy pa rin siya sa pagpagpag ng kanyang pantalon na kanina'y nakadikit sa madamong lupa sa likod ng Main Library.

Itinaas ko ang aking ulo upang makaharap ang mukha niyang puno ng pagkataranta. Natuyo na ang mga luhang kanina ay tumatakip sa aking mukha. Binigyan ko siyang ngiti at tumango bilang sagot.

"Sorry talaga, ha? Basta, i-text mo ako mamaya. Sige, bye!" mabilis pa sa alas cuatro niyang sabi. Patakbo niyang tinungo ang gym dala ang kanyang itim na backpack at damit na pamalit.

"Bye!" pahabol kong sabi. Tanging likod na lang niya ang nakikita ko at ang paglipad ng ilang hibla ng kanyang tuwid at maninipis na buhok mula sa hangin na sumasalubong sa kanya dahil sa pagtakbo.

Malalagot na naman ang isang iyon sa coach nila, at 'pag nagkataon ako ang sisisihin no'n. Pero in the first place kasalanan ko naman talaga, tinext ko siya na pumunta rito sa tambayan.

Napaisip tuloy ako kung gaano ako ka swerte kay Yui. Akala ko rin kasi noon hindi na ako ulit makakahanap ng best friend na kagaya ni Ross.

We definitely have nothing in common. She's into sports, I'm not. I love Math, she curses it. She loves partying and shopping, I don't even want to get out of my room during weekends. Mga ganoong bagay. We're not even in the same course and college. She's in the field of Arts while nasa Science and Math naman ako.

We just happened to be classmates sa P.E noon. Naging groupmate ko siya sa isang activity, we talked and then eventually became friends. I guess there's that invisible string na nagtatali sa aming dalawa, destined lang talaga sigurong maging kaibigan ko siya.

Napagpasyahan ko nang tumayo at nagsimulang maglakad patungo sa susunod kong klase.

Noon ko lamang napatunayan na nakakasenti pala talaga kapag ikaw lang mag-isa, kagaya noon na mag-isa akong naglalakad.

When you're alone you think, when you think you remember. Sa palagay ko iyon kadalasan ang nagpapasenti sa isang tao sa tuwing mag-isa siya. Ang daming thoughts na bigla na lang pumapasok. Kapag din mag-isa ka ang dami mong mapapansin. Habang naglalakad ay may magsyota akong nahuling naghahalikan sa likod ng puno. Napakalaswang pangitain.

Pero seryosong usapan, noon ko lang ata napansin kung gaano kaaliwalas sa loob ng university namin. Kahit kasi medyo marami ang estudyante, malalaki naman ang mga pathwalk, aligned na aligned din ang pagkakatanim ng mga puno at nagva-vary ang mga landscape. Presko sa pakiramdam kung baga. Idagdag mo pa riyan na dalawang daan at apat ang kabuuang ektarya ng campus. Hindi pa lang gaanong napapalaganap ang ibang parte nito.

Natigil ang paglalakad at pagmumuni kong iyon nang may marinig akong nag-play na kanta sa bandang likuran ko.

Narinig ko pang may nagtawanan kaya't hindi ko napigilang lingunin ito. Galing ang music sa isang binatang prenteng nakaupo sa may entrance ng School of Management. Napapagitnaan ang building na ito ng Main Library at college namin kaya't madadaanan ko ito.

Buchikik ang nakaplay sa telepono ni kuya at naka-full volume pa kaya't dinig na dinig ng mga tao sa paligid. May mga pabirong sumasayaw na tila binabalikan ang sayaw noong kabataan nila. Si kuyang may-ari ng telepono naman ay mukhang enjoy na enjoy sa music niya.

Natigil ang music at akala ko noo'y ini-stop na talaga nito ang kanta. Magsisimula na sana akong maglakad muli ngunit nag-next lang pala ito sa kanyang player.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon