29th Drop - One Last Straw

108 21 3
                                    

Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahilata sa kama ni Yui. Nag-aya siyang mag-movie marathon at hinihintay na lang namin si Chase. May tinapos lang kasi ito ngunit papunta na raw naman siya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at naalala ang mga pinag-usapan aming ni Audrey kahapon.

Naguguluhan ako.

***

Matapos iyong sabihin ni Audrey, tumungo kami sa isang sulok ng gym. Kung saan maari kaming mag-usap nang pribado.

"Kailangan ninyong makalimutan lahat," dire-diretso niyang sabi na para bang nagmamadali.

Napalingon ako sa kaniya at inayos ang aking upo, "Ha?" naguguluhan kong tanong.

Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita, "I need you to drink a Forgetting Potion. Kailangan niyong makalimutan lahat ng tungkol sa akin, sa mundo namin, sa gayuma, lahat," aniya.

Napadistansya ako mula sa kaniya nang maipaliwanag niya nang maayos ang kanyang hiling.

Kahit hindi pa niya napapaliwanang ang dahilan kung bakit, ay hindi ko na gusto ang hiling niya. Hindi naman ganoon ka dali iyon. Hindi niya basta na lang maasahan na pumayag ako kaagad. Na kakalimutan ko na lang ang lahat ng pinagdaanan kong iyon.

Siguro ay may maganda rin naman iyong magagawa sa akin. Na tuluyan na lang kalimutan ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko dahil sa mundo nilang iyon.

Ngunit kapag tinanggap ko iyon ay para na rin akong mamumuhay ulit sa kasinungalingan. Kagaya ng apat na taon na kinuha sa akin ng gayumang iyon.

Napakadaya lang. Napakadayang nahilingin niya iyon.

"Audrey, pero–" 

"Pumayag na si, Loris," singit niya.

Ano?

"Reese, umabot sa mundo namin ang mga nangyari. Isisisi nila sa akin ang kapahamakang nangyari sa isang mortal dahil sa isang kagaya ko, lalo't nalaman na rin nilang hindi ako nawalan ng kapangyarihan," dagdag niya. Mabilis niyang inilahad ang mga bagay na para bang hinahabol siya ng oras.

Bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. Bumalik ako sa dating pwesto at umayos ng upo. "Pero bakit kailangan alisin ang memorya ko tungkol sa nangyari?" nagtataka kong tanong.

"Hindi lang ikaw, Reese. Lahat kayo. Ikaw na lang ang nakakaalala pa," bigla niyang bagsak ng katotohanan.

Ha? Paanong... kung ganoon...

"Hindi ka na naalala ni Chase," sambit ko sa napagtanto.

Kaya pala, kaya pala hindi maintindihan ni Chase ang tanong ko sa kaniya noong nakaraan. Kaya pala nakakunot ang mga noo niya noong banggitin ko ang pangalan ni Audrey.

Marahan siyang tumango sa akin. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan kahit hindi niya iyon sabihin.

"Kapag nalaman nilang may koneksyon kayo sa akin, maaring gamitin nila kayo, saktan, pati na ang pamilya ko..."

Nasagot na nito ang iilan sa mga tanong ko ngunit naguguluhan pa rin ako, "Ngunit bakit? Bakit ikaw lang? Bakit kami madadamay?"

Hindi nakaligtas sa akin ang mga mapapait na ngiting binibitawan niya noon. Na parang inaalala ang napakapait na katotohanan.

"Madaya rin ang mundo sa akin, Reese. Mas madali para sa kanila na isisi sa amin, sa akin lahat kumpara sa anak ng isa sa mga makapangyahirang ka-uri namin," paliwanag niya. Kahit hindi niya banggitin ang pangalan ay pakiramdam kong kapatid ni Ross ang tinutukoy niya.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon