MAURICE'S POINT OF VIEW
"I love you." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang marinig ang mga katagang iyon mula mismo kay Ross.
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, tila sasabog...
sasabog sa sobrang sakit.
Masaya sana kung para sa akin ang mga salitang iyon, kaso hindi. Para iyon sa babaeng mahal niya, para sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya, at iyon ay hindi ako.
Muli ko silang pinagmasdan at kahit ilang metro ang layo ay tanaw na tanaw mo ang ngiti sa kanilang mga mukha. Pareho silang nakaupo sa isang malaking bato katabi ang mga nakalinyang puno sa harap ng malawak na field. Naging silungan nila ang mga punong iyon laban sa mainit na sinag ng araw.
Kung pagmamasdang mabuti, para silang nasa isang pelikula, perpekto, may chemistry, bagay. Sa pelikulang iyon, ako ang extra, extrang nagtatago sa likod ng isang poste habang pinagmamasdan ang dalawang bidang masayang ipinagtatapat ang kanilang nararamdaman.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Hindi ka susuko, Maurice. Nililigawan pa lang naman niya si Macey eh, bulong ko sa aking sarili.
Paano. Paano nga ba ako nahulog nang ganito sa kanya?
Simple lang ang istorya. Kababata ko siya, best friend, at nahulog ang loob ko sa kaniya. Oo, typical na one-sided bestfriend love story. Napaka-cliché.
Payapa ang lahat kahit patago akong nahuhulog sa kaniya noon, maayos kami. Ngunit bigla na lang nagbago ang lahat ng dahil sa isang maliit kong pagkakamali.
"Pagod na 'ko sa 'yo, Reese. Hindi ka ba marunong makiramdam? Kung talagang kaibigan mo 'ko hindi ka dapat nakikialam!" Isinigaw niya ang mga katagang iyon sa harap ng mga bisita, mga kaklase, kapitbahay, at iba pang panauhin ng kaniyang graduation thanksgiving noong high school. Nakakunot ang kaniyang noo dahil sa galit at ang mga malalim niyang mata ay hindi ko na makilala.
Para akong batang napagalitan ng aking ina noong araw na iyon. Ang tanging kasalanan ko lang naman ay sinubukan kong hanapin at i-contact ang kaniyang ama.
Hiwalay ang mga magulang ni Ross at ni minsan ay hindi niya nakita ang kanyang ama kaya't naisip ko na gawin iyong graduation gift sa kaniya. Ang kaso, masyado pa akong malayo sa paghahanap ay nabisto na niya ang planong iyon.
Naiintindihan kong galit siya ngunit ang wakasan ang pagkakaibigan namin nang dahil lang doon ang hindi ko lubos maunawaan. Nakakafrustrate minsan dahil kahit anong effort kong magkaayos ulit kami, parang ayaw na niya talaga.
"Kanina ka pa riyan." Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses niya.
It wasn't a question, but more like a statement he was very sure of.
Hindi ako nakapagsalita kaagad at tila nabato sa aking kinatatayuan. Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin at nasilayan ang namumula niyang mukha dahil sa init pati na ang medyo nagulo niyang undercut na buhok. Kahit hindi ito kaputian ay bakas pa rin sa balat nito ang pagkasensitibo pagdating sa init ng araw. Wala na rin ang kaninang kasama niya.
Nagkataong nasa parehong Unibersidad, kurso at bloc kami ni Ross. Second year college na kami, ibig sabihin dalawang taon na rin sigurong nagtitiis si Ross sa presensya ko. Pero iyon, madalang niya akong kausapin kaya tila naiestatwa pa ako sa posisyon ko.
"Matalino ka, Reese. Alam kong kaya mong i-perfect ang tests kahit hindi ka mag-review, pero huwag mo naman sanang gawing libangan ang pag-iispiya sa amin ni Macey sa tuwing free time mo," aniya gamit ang malamig at tila naiiritang tono.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...