I have been avoiding Macey. Hindi ako makatingin dito sa tuwing nakakasalamuha ko ito. Marahil ay dahil naaawa ako sa kanya, nakokonsensya, at nasasaktan. Ilang taon ko siyang kinamuhian sa maling dahilan.
Mas mabuti na sigurong mag-move-on muna kami sa nangyaring iyon bago kami mag-usap ulit. I do owe her an apology.
At si Ross, all along ay may hindi siya masabing dahilan kaya't iniiwasan niya ako. All this time dala-dala niya ang rasong iyon. Sigurado na akong hindi lang ito basta tungkol doon sa nangyari noong thanksgiving niya sa highschool.
Pero bakit? Ano ba talaga ang rason?
"O." Natigil ang pagmumuni kong iyon nang mag-abot si Chase ng isang bar ng tsokolate.
Iyong Reese's na naman, kagaya ng bigay niya noong nakaraan.
Naki-seat-in na naman siya sa klase namin. Minsan nga ay naiisip ko na tumatambay lang talaga siya. Palusot na lang iyong laging absent ang professor nila sa History 1.
Umusog siya nang kaunti palapit sa silyang kinaroroonan ko. "May event buong bloc namin next week sa atrium," panimula niya.
Napalingon ako rito. Wala pa naman ang prof sa subject na iyon kaya't ayos lang na makipagdaldalan muna.
"Part ng isang subject, kailangan daw madaming audience," patuloy niya.
Ang daming liko ng isang ito, mukhang ang patutunguhan lang naman ay mag-aaya ito para sa requirement nila.
"Okay," sagot ko.
"Ha?" Ilang sandali itong nagtatakang nakatitig. Mayamaya ay nakuha na nito ang ibig kong sabihin at napakamot ng ulo.
"Pero uy, hindi libre ang ticket ah," aniya.
"Pst, librehin mo 'ko sa event nitong kaibigan mo," pagtawag ko sa katabi ni Chase na si Mario. Nang tignan ko ang isang iyon ay naroon na naman ang mga makahulugan niyang tingin.
"Walang problema para sa LoReese," saka siya tumawa na parang isang kontrabidang nagtagumpay sa plano. Pagkatapos ay sumayaw-sayaw pa siya na akala mo ay nanalo sa lotto.
"Anong nangyari diyan sa kaibigan mo?" bulong ko kay Chase.
Ngunit hindi siya sumagot at namamanghang nakatingin lamang kay Mario.
"Which gives me the idea. Since may event tayo next month, mag-duet kaya kayo?" pagtukoy ni Mario sa papalapit na yearly fund-raising event ng banda.
"Kumakanta ka?" tanong ni Chase. Bakas sa kaniyang boses ang pagkagulat.
"Dude, mas maganda pa boses niyan kay May, no offense. Sadyang KJ lang talaga iyang isang iyan," pakiwari ni Mario at umakbay sa kaibigan niya.
"Mahirap pagsabayin ang drums at pagkanta. Subukan mo kaya," pagrarason ko kung bakit ko tinanggihang maging vocalist noon.
Totoo naman, ang hirap lang kumanta habang nagda-drums, lalo na kung nangangailangan ng heavy drums ang kanta. Naiisip ko pa lang natatawa na ako sa magiging itsura ko.
"Ah, basta KJ ka pa rin," pagtutol ni Mario.
"Basta, ayaw ko pa rin," sagot ko.
"Kitams, KJ talaga," dagdag niya habang hawak-hawak ang baba ni Chase at iniharap ang mukha nito sa akin.
I thought I heard Chase say something that sounded like cute. Ngunit mukhang guni-guni ko lang ata iyon.
Nanahimik na kaming tatlo noong dumating ang prof at nagsimula na ang klase.
Sa kalagitnaan ng isa't kalahating oras ng klaseng iyon ay napalingon ako sa direksyon ni Chase.
Nabigla ako nang mahuling nakatitig siya sa akin. Seryoso ang mga tingin niya kaya't hindi ko mawari kung para saan ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Just One Drop (Completed)
FantasyMaurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters his pretty little life. To make matters worse, Ross is in love with Macey, her greatest enemy. Little...