26th Drop - After Her Denials

83 23 3
                                    

Matapos bumisita si Chase sa amin ay saka ko lang naalala iyong napag-usapan namin ni Macey tungkol sa pagbisita kay Kuya. Hindi ko tuloy ito nasamahan dahil sa mga nangyari.

Nang maalala ko iyon ay kaagad din naman akong nag-text sa kanya't humingi ng pasensya.

Lunes nang muli. Isang linggo makalipas ang lahat ng nangyari. Napilitan na akong pumasok muli dahil mukhang nanganganib na ang pag-aaral ko. Mabuti na lang dahil walang masyadong ganap at quiz noong nakaraang linggo.

Milya nga lang ang hahabulin ko sa topic ng bawat klase noon.

Mula sa ikalawang palapag ng dorm ay bumaba na ako at naabutan si Yui na naghihintay sa lobby. Hindi niya ako napansin dahil sa katawag niya sa telepono.

"Oo, she's back. Kagabi raw sabi no'ng guard sa dorm," rinig kong tugon niya sa kabilang linya.

"Sinong kausap mo?" pagtatanong ko sa kaniya noong makalapit na ako. Bahagya naman siyang napatalon at hinawakan pa ang kaniyang puso na akala mo'y lalabas na mula sa kaniyang dibdib dahil sa pagkagulat.

"A-ano si Chase," nagdadalawang-isip niyang pag-amin. Always so honest, Yui.

Hindi na ako nagtanong pang muli nang marinig ang pangalan ng lalaki at nag-aya na lamang kumain ng agahan. Habang nilalakbay ang daan patungo sa isang kainan, ay nahahagip ng mata ko ang mayamaya't paglingon ni Yui sa direksyon ko.

Mukhang nagdadalawang-isip siya kung mangungumusta ba o 'di kaya'y kung paano magsimula ng usapan.

Ako na ang unang nagsalita upang matulungan ito.

"Kumusta long exams niyo?" tanong ko nang maalalang may mga exam nga pala siya last week.

Pansin kong nakahinga rin siya nang maluwag sa wakas nang marinig akong magsalita. Ngunit agad din namang nagbago ang ekspresyon niyang iyon nang maalala ang mga exam.

"Wala, ayaw kong pag-usapan. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat ng iyon," aniya at inilibot ang paningin sa mga pagpipiliang ulam sa harap niya.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-aagahan ay biglang may narinig kaming mabibilis na yapak. Aakalain mo noo'y hinahabol ito ng mga galang aso sa bilis ng takbo ng kung sino mang iyon.

Naramdaman kong nahinto ito sa likod ko kaya't napalingon ako rito.

Habol-habol niya pa ang kaniyang hininga at magulo rin ang kaniyang buhok. Inayos niya ang kanyang salamin at saka ang bag na nakasabit sa kaniyang balikat.

"Hi," nakangiti niyang bati.

Narinig ko siyang bumulong na, "Mabuti't naabutan ko pa kayo," ngunit hindi ata niya sinasadyang marinig ko iyon.

Inilipat ko ang aking tingin kay Yui at agad din siyang nagbigay ng guilty na tingin.

Naupo ito sa tabi namin at naglabas ng baonan mula sa kanyang bag. "Makikisabay ako ah," aniya't binuksan ang baonan. Nakangiti ito na aakalain mo'y hindi ko pinagtabuyan ilang araw lang ang nakalipas.

Oo, siguro ay half-meant ang sinabi kong iyon, kaya hindi ko inakalang magiging ganoon pa rin ang trato niya sa akin.

He has always been so patient and positive with me, and so persistent to add with that.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Ilang beses pa nga ata itong sumubok na magpatawa ngunit tanging si Yui lang ang nagbibigay ng reaksyon sa mga sinasabi nito.

Habang nakayuko at patapos na sa kinakain ay naramdaman kong hinawi nito ang bangs ko saka may ikinabit sa aking buhok.

Napaangat ako ng ulo dahil sa ginawa niyang iyon. "There, para 'di natatakpan ang mukha mo," aniya.

Just One Drop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon