ANDREE
Tumatakbo ako ngayon papuntang cafeteria. Nakalimutan ko kasi yung panyo ko dun eh!
Habang tumatakbo ako, biglang nag-vibrate yung phone ko na nasa loob ng makalat kong bag.
Dahil nga makalat ang bag ko, mahirap hanapin yung phone ko. Kaya habang tuloy ako sa pagtakbo ko, nakatingin ako sa loob ng bag ko at dali-daling hinanap ang phone ko.
*bump*
"Ay, sorry po!" Sabi ko. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Siguradong may mababangga ako dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko! Tanga ko rin eh, noh?!
"Ah, no. It's fine." Oh my!! Natapunan siya ng ice cream sa uniform! Patay ako neto.
"Hala ka," bigla akong nataranta. "Sorry, sorry." Paulit-ulit kong sabi.
"Andree?"
Eh?
Napatingin ako sa lalakeng nabangga ko dahil sa katangahan ko. At bigla na lang nanlaki ang mata ko. "Brace?!"
Pansin ko lang ah. PARATI ATA KAMING NAGKIKITA NETO?
Destiny? Eww. No way! Haha.
"Ikaw pala yung nakabangga sakin eh. Ayos lang yun." Ayan na naman yang ngiti niyang nakakasilaw -_-
"Hindi ayos yun nuh! Nadumihan yung uniform mo dahil sakin!" Sabi ko. Paano na 'to? Baka wala siyang extra shirt na dala.
Natawa siya ng mahina. "Ayos lang nga. May extra shirt naman ako." Nakahinga naman ako ng maluwag. Jusko, salamat!
Para mabawasan yung pagkaguilty ko... "Sandali lang ah. 'Wag kang aalis sa pwesto mo. Babalik lang ako." Sabi ko.
Hindi ko na siyang hinintay pang magsalita. Iniwan ko muna siyang nagtataka. Pumunta ako sa table namin kanina ni Janna at hinanap yung panyo ko.
Buti naman at walang sinong kumuha. Baka gawing basahan. Sayang din 'to!
Pagkakuha ko nung panyo, bumalik agad ako at inabot kay Brace yung panyo.
"Eh? Para saan yan?" Taka niyang tanong.
Tumango ako. "Oo. Ipampunas mo na dyan sa uniporme mo. Pasensya na ulit." Sabi ko.
"Kukunin ko sayo yan?" Tanong niya sabay turo sa panyo.
Me be like -_-
"Ay, hindi! Ililipad mo! Psh." Minsan pala, walang common sense itong lalake na 'to.
Natawa siya. "Sorry, sorry. Sige, kukunin ko yan. Ibabalik ko rin agad sayo." Sabi niya at kinuha yung panyo ko sa kamay ko.
Tumama pa yung kamay niya sa kamay ko pero ewan ko ba. Parang nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy. WEIRD.
"Kahit 'wag mo nang ibalik. Remembrance na yan! Haha." Sabi ko. Remembrance daw? Saan nanggaling yun?
"Okay, okay. Thank you dito." Sabi niya. Tumango ako at naglakad na paalis.
BRACE
Para akong tanga dito na nakangiting mag-isa.
"Dude, may pinagdadaanan ka ba?" Tanong ni Joaquin.
"Huh? Wala nuh." Sabi ko. Hindi pa rin talaga mawala ang ngiti sa labi ko.
"Wala daw. Eh, para kang tanga dyan na nakangiti nuh!"-John.
Mas lumawak pa yung ngiti ko. Bakit ba? Kinikilig ako eh. (Pwe! Bading nung term.)
"Baka naman in love yan!" Sulpot naman bigla ni Grae.
"Paano mo naman nasasabi, Grae?" Tanong ni John.
"Alam niyo, ganyang-ganyan ako nung pinansin ako ng first love ko noon nuh!" Sabi niya.
"Talaga, Lolo Grae? May first love ka?" Natatawang tanong ni Nash.
"Hoy, Nash! Ang sabihin mo, bitter ka lang! Wala ka kasing lablayp eh!"-Grae .
Natawa na lang ako sa kakulitan ng apat na 'to. Hahaha! Ang cute nilang mag-away eh.
"Oh, Brace. Share naman. In-love ka noh?"-Nash.
Umiwas ako ng tingin. "Hindi nuh." Nakanguso kong sagot.
Eh, bakit ba? Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko eh!
"Naman! In-denial ka pa, bro! Aminin mo na. Halata na sa ngiti mo eh!" Inakbayan pa ako ni Nash.
Natawa ako. "Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko eh." Sabi ko.
"Naku! Mahirap yan. Wait. Sabihin mo nga, who's the lucky girl, huh?" Tuksong tanong ni John habang may pataas-baba pa ng kilay.
Umiwas ulit ako ng tingin. Ayokong sabihin eh. Baka tuksuhin lang ako ng apat na 'to!
"Si Andree Camille noh?" Napatingin ako kay Nash. What the hell? Paano niya nalaman ang pangalan ni Andree? "Sabi na eh."
"P-Paano mo nalaman, huh?" Tanong ko bigla.
"Boom! Ayun oh! Lumabas din! Hahaha."-Grae.
Nagkibit-balikat si Nash. "Simple lang. Kita kasi sa mga mata mo eh." Nakangiti niyang sagot.
"Ang sabi nga nila... when a girl is inlove, you can see it in her smile. And when a boy is inlove, you can see it in his eyes. Ayiiiiee~"
At kailan pa nahilig magbasa ng quotes itong si John?
"Shut up ka nga, John. Ang corny mo." Natatawa kong sabi.
"Pero aminin~ totoo naman yung corny'ng quote na sinabi ni John!"
"Oo na, oo na! Pero hindi pa ako inlove, okay? Crush lang. May crush lang ako kay Andree." Psh. Inlove agad? Ang O-OA ng mga 'to!
"Teka nga, teka nga. Ang alam ko, AC yung nickname ni Andree Camille. At lahat ng mga nakikilala niya, AC yung pinapatawag. Pero bakit 'Andree' yung tawag mo sa kanya?" Tanong ni Joaquin.
Napakamot ako ng batok. Nakakahiya naman 'to! "Wala lang. Gusto ko lang siyang tawaging Andree."
Sinuntok naman ako ni Nash ng mahina sa braso. "Haha! Ang sabihin mo, gusto mong ikaw lang yung lalakeng tatawag sa kanya sa first name niya!"
Natawa naman ako. Totoo naman kasi yun! Galing talaga manghula ni Lolo Nas-Oops. Hahaha!
"Ikaw, Brace ah. So, move on ka na pala kay Sa-"
Biglang tinakip ni John yung bunganga ni Grae. Tumungo ako. Alam ko kung sino yung mini-mean niya. Aish!
"Uhh..."-sila.
Bigla akong tumayo at pumilit na ngumiti. "Punta muna akong rooftop. Magpapahangin." Tapos lumabas ako ng room.
I don't want to remember that girl. Ayoko na. Ayokong-ayoko na.
--
Ohh! Sino kaya yung si "Sa-"?
Abangan.
Please do vote and comment ;)
Aishiteru♥
-Jhelaii♡
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
FanfictionThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.