•A N D R E E•
Sashimi, red fish soup, soba, tempura, fish eggs, rice, fugu and sake.
Perfect food for December 31st! 💞
Oh! With tatami mats pa with low tables. Naaaks! Benggahan!
"Oy, AC. Kain ka ng kain, baka tumaba ka nyan," napatigil ako sa pagnguya nang bigla akong kausapin ni Janna.
"Wala akong pake," sabi ko at ngumuya ulit sabay subo ng tempura.
Nakita kong napailing si Shane. "Broken ka ba?" Tanong niya na nagpatigil sakin.
Tumaas yung isa kong kilay. "Huh? Di nuh," sabi ko.
Porket matakaw, broken agad? Di ba pwedeng gutom lang at beri bet kumain? Ayt.
"Saan tayo mamaya, guys?" Tanong ni Angelique.
Nag-isip ako sandali. Saan ba pwede? Hmm.
Tinaas ko yung kamay ko nang may maisip ako. "Punta tayong shrine mamayang midnight! Tapos kumain tayo ng Toshikoshi Soba 'cause long noodles symbolizes a long life!" Sabi ko.
Pero nakita ko silang lahat na nakanganga. Of course, except sina Brace, Sattori at Ritsu.
Si Brace? Sus. Parang wala ngang pake sa mangyayari e. Busy kasi siya kumain ng sashimi habang nagta-type sa cellphone niya. ANO KAYA GINAGAWA NIYA?
"Okay, sige. Mukhang magandang plano yan, AC. Sige, sige. Gawin natin yan," sabi ni Janna kahit yung totoo, wala naman siyang naintidihan sa sinabi ko. Ayy. Hahaha.
---
So, yun nga. Nag-pray kami sa shrine. I wished na sana maging maayos at healthy kaming lahat this year and sana maayos yung pag-aaral ko. And... Sana bumalik na yung dating Brace. Hehehe. ✌️
Kasalukuyan kaming kumakain ng Toshikoshi Soba. Hmm! The best! ❤️
"Teka, anong tawag dito?" Tanong ni Nash sabay pakita nung talisman na binili namin kanina sa mga miko or sa ingles, shrine maidens.
"Talismans tawag dyan. Search mo na lang sa google ang meaning. Nakakapagod mag-explain," sagot ni Brace.
Aba, aba. Ngayon na lang ulit siya nagsalita ah. Wooooow. Achievement! 👏
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Puro mga kalokohan yung mga pinagsasabi nina Grae at kami yung taga-tawa kahit napakakorni ng mga sinasabi nila. Ang ingay nga namin e.
Pero napatigil kami nang biglang magsalita si Brace. "Ah, excuse me for a while." Tapos tumayo siya at lumayo samin.
"Napapansin ko lang, parating may katext o ka-phone call si Brace. What's the meaning of that?" Napatingin ako ng wala sa oras kay Joaquin kahit na may nakasabit pang noodles sa bibig ko.
Nagkibit lang sila ng balikat. Inubos ko yung kinakain ko at tumingin sa pintuan kung saan lumabas si Brace. Sino kaya kausap niya?
"AC, the fireworks will start soon." Bulong sakin ni Ritsu.
Nanlaki ang mata ko. Oo nga palaaaaa! Pumalakpak ako ng tatlong beses upang makuha ang atensyon nila.
Nang tumingin silang lahat sakin, ngumiti ako at nagpa-cute. "Manonood tayo ng fireworks! Kaya, let's goooo!" Tumayo ako at lumabas.
Sumunod sila sakin at saktong paglabas namin, nagsimula na ang fireworks display.
Woooow! This spot is the best spot to watch fireworks! No need para maglakad ng malayo to find some place to watch.
Napapa-wow kaming lahat kapag may pinapaputok na fireworks. Every year akong nanonood ng fireworks display pero iba pa rin sa feeling kapag kasama mo yung mga kaibigan mo!
Nakaakbay sakin si Ritsu habang nasa tabi ko si Sattori. Maya-maya, nag-excuse si Sattori dahil tumawag yung Papa niya. Pinasama rin si Ritsu para ipaalam na okay lang ang anak niya.
Habang nanonood ako, biglang may tumabi sakin. Akala ko nga, si Nash or si John lang pero nung lumingon ako, nagulat ako ng bonggang-bongga!
Wth? SI BRACE PALA YUNG TUMABI SAKIN! Lumayo ako agad sa kanya. Owemji. Naiilang pa rin ako sa kanya!
"Why're you avoiding me? Did I do something?" Nagulat ako sa tanong niya.
Oo nga naman. Ano ba yung ginawa niya sayo, AC? Para layuan mo siya? Oo, may feelings ka pa pero diba?! Dapat di mo pinapahalata!
"Nagulat lang ako. Hehehe." Sabi ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo.
Magsasalita na sana siya kaso biglang nag-ring ang phone niya.
"Tsk." Rinig ko. Inis niyang sinagot ang tawag.
"Mami."
--------------
A/N: I'M BAAAAAACK! 😭 IT'S GOOD TO BE BACK! Huhuhu.
Tinapos ko kasi yung requested story ni kras. Ehehehehehehehehehe. Enebe! 😂
Anyway, I'll publish it here. You can vote and comment. Tragedy po yun. Bitter kasi ako. Gusto ko ako partner niya HAHAHA.
Achievement test namin sa wednesday. Wish me luck! 😭
One more thing, please follow my twitter account @SweetPatissiere 😘
![](https://img.wattpad.com/cover/75744586-288-k790582.jpg)
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
FanfictionThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.