Chapter 17: I like you

110 3 0
                                    

BRACE

"AC, may naghahanap sayo sa labas." Rinig kong sabi ng kaklase kong si Karen kay AC.

Tumayo si AC at lumabas ng classroom. Hmm. Sino naman kaya yung naghahanap sa kanya?

---

"Oh, AC. Hindi ka ba sasabay samin mag-lunch?" Tanong ni Shane kay AC dahil pagkatapos na pagkatapos ng last subject namin sa morning, tumayo agad siya at inayos agad-agad yung mga gamit niya.

"Ah, pass muna ako. Sasabay na lang ako kay Janna mamaya. May kakausapin lang ako." Sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya.

May kakausapin siya. Pero kailangan bang magmadali talaga siya? Importante ba yung pag-uusapan ng taong kakausapin niya para mag-skip siya ng lunch? Wth.

Lumabas si AC sa room at nagsimula na kaming kumain.

"Sino naman kaya yung kakausapin ni AC at nagmamadali siya?" Tanong ni Shane habang nilalabas sa bag yung lunchbox niya.

"Nakita ko silang nag-uusap ni Nathan kaninang umaga. Mukhang seryoso sila kanina eh."

I froze. Nathan? As in, yung Nathan sa Test of Courage? Yung Nathan na muntik ko nang mapatay dahil pinabayaan niya si AC?

Tumayo ako. "Guys, c.r. lang ako." Sabi ko.

ANDREE

Nasa likod kami ng building namin ngayon ni Nathan. May gusto daw kasi siyang pag-usapan.

"Uy, Nathan. Ano bang pag-uusapan nat—" hindi niya ako pinagpatuloy.

Humarap siya sakin at... "I like you," I froze.

What the? He's joking, right?

Pinalo ko siya ng mahina sa braso habang tumatawa. "What a joke. Yung seryoso ba, Nathan," sabi ko. Masamang biro yun XD

"No, I'm not joking." Seryoso niyang sabi.

*gulp*

What should I do? Hindi ko siya gusto dahil loyal ako kay Brace.

"Umm.."

Again, hindi na naman ako pinatapos sa pagsasalita dahil may biglang humila sa braso ko.

"Sorry, but this girl is not available."

What the?

Tumingin ako kay Brace. Oo. Si Brace. Boses niya pa lang at amoy, alam na alam ko nang siya yun.

"BRACE?!" Gulat kong sabi at napalayo sa kanya habang namumula.

Takte. Ang lapit ng mukha niya kanina!

"Don't interfere, Brace Arquiza. Ikaw ba ang boyfriend niya?"

Halaaaaaa! What to do?! Ibang-iba na ang aura nilang dalawa. WAAAAAAH!

"Hindi," simpleng sagot ni Brace.

"Hindi naman pala—"

"But this girl is mine. So, back off."

Tapos hinila na ako ni Brace paalis. What theeee?

But this girl is mine. So, back off.

But this girl is mine. So, back off.

But this girl is mine. So, back off.

Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Uwaaaah! Totoo ba yung sinabi ni Brace? O masyado lang malawak yung imagination ko?

---

OMO! What will happen next? Abangan.

—jhelachan

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon