Chapter 18: Christmas

95 4 1
                                        

ANDREE

December 24. Christmas.

I sighed.

"Huy, AC? Para saan yang buntong-hininga mo, huh?" Tanong ni Shane.

"Oo nga. Anyare sayo? Kanina pa namin yan napapansin ah."-Angelique.

I sighed. AGAIN.

Kasi naman eh! After nung confession ni Nathan, umiiwas na sakin si Brace! Tsaka makainis!! Nung tinanong ko sa kanya kung bakit niya sinabi na kanya ako, biglang umepal sina Joaquin! Arrrgh.

"So, ano nga, AC? May problema ka ba?" Tanong ni Angelique.

Umiling ako at nanguha ng limang cartolina na iba-iba ang kulay. Oo nga pala! Nasa mall kami ngayon at namimili ng mga gamit na gagamitin namin para sa Christmas Party ng klase namin mamaya.

Excited na akoooo! Hihi.

"Wala. Iniisip ko lang, makaka-graduate kaya ako?" Pagsisinungaling ko. Ang peke masyado ng palusot ko. Haish.

"Naku naman, AC! 'Wag mo nang alalahanin yang pag-graduate natin nuh! Dahil sigurado akong makaka-graduate tayo." Masayang wika ni Shane habang may binabasa.

"Oo nga, oo nga." Tumatangong sang-ayon naman ni Angelique.

Niee. Itong mga 'to... Ang bilis maniwala! Hahaha.

Binili na namin ang mga dapat bilhin at pagkatapos ay dumiretso na sa school para makapag-ready.

---

"Merry Christmas, everyone!"-Ma'am.

"MERRY CHRISTMAS!!" -All.

Tapos nag-cheers kaming lahat. Whahaha! Kahit coke or juice lang naman ang mga laman ng mga baso namin XD

Nakikipag-kwentuhan lang ako sa mga kaklase ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"AC!" Oh? Si Rika.

"Oh, Rika. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Hinahanap ka ni Brace Arquiza!" Sabi niya.

"Huh?" Napatingin ako sa labas ng classroom.

Eh? Nandun sina Grae.

"Ah, salamat." Tumango lang sakin si Rika.

Naglakad ako papalabas ng classroom at nung malapit na ako sa may pintuan, biglang...

"AYIIIEEEEE~"

Napatingin ako sa mga kaklase kong kinikilig. What the? Tumingin ako sa may pintuan at bigla kong nakita si Brace na nakangiting nakasandal sa may pader.

"Ssh!" Sabi ko sa kanila habang namumula. Jeez! Nakakahiya!

Lumabas ako ng classroom. Umayos naman ng tayo si Brace.

"Oh, Brace. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Eh, free ka ba bukas?" Nahihiya niyang tanong.

Napakunot yung noo ko. "Eh?" Nag-isip ako sandali. "Hmm... Oo. Bakit?" Tanong ko.

"Ehhhh, gusto sana kitang kausapin eh." Sabi niya.

Tumango ako. "Sige, walang problema. Tayo lang bang dalawa?"

"Oo."

Oh my God! A-A-A-A... DATE?!

"Okay, okay. What time? Saan tayo magkikita?" Tanong ko.

Oh my God! Na-excite ako bigla!

"Sa may park lang. Mga 12." Sagot niya.

Tumango-tango ako. "Okay, sige."

"Okay, then. See you tomorrow, Andree." Nakangiti niyang sabi.

Uwaaaaah!😍😍

Umalis na sila at ako naman ay nakangiting bumalik sa loob ng classroom.

---

8 pm na ako nakauwi sa bahay. Hinatid naman ako kaya okay lang kina Mama at Papa.

"I'm back." Since tumira kami sa Japan ng parents ko, nakasanayan na namin ang mga pagbati pagkauwi.

"Welcome back, dear." Sabi ni Mama at hinalikan ako sa pisngi.

"Where's Papa?" Tanong ko.

"Umm, nasa kitchen siya. May kinakausap." Sabi ni Mama.

Tumango lang ako. At pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Maya-maya, nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako para kumuha ng tubig sa refrigerator. Hindi ko napansin na nasa may wall si Papa ng kitchen at may kinakausap. Mukhang hindi niya ako napansin kasi nakatalikod siya.

"What?! Stay therr for good? Are you serious, Dad?" Rinig ko.

Eh? Si Lolo yung kausap ni Papa!

"Pero baka umayaw si Andree. Alam naman natin na mas gusto niya dito sa Pilipinas."

Wait. Parang may mali.

"Okay, okay. I understand. Para sa business natin yan, diba? I think hindi aayaw si Andree kapag tungkol sa business natin yan."-Papa.

"Okay, babalik din kami ng Japan bukas na bukas."

Nabitawan ko yung hawak kong baso at nabasag ito.

"A-Andree?!" Gulat na sigaw ni Papa.

"Papa, sasama ako papuntang Japan pero pwedeng 'wag bukas?" Tanong ko.

Kakausapin ako ni Brace bukas eh. Maghihintay siya sakin bukas sa park eh.

"So, narinig mo pala," then he sighed. "I'm sorry, Andree. Pero kailangan na nating umalis bukas. May problema ang company natin sa Japan and we need to solve it right away."

Tumungo ako. Bakit ngayon pa?

--------

Haluhluh? Aalis na si Andree papuntang Japan? OMO! How about Brace?!

Abangan. 😉

Please do vote and comment. Thanks.

—jhelachan

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon