•B R A C E•
"Anong ginawa ni Mami?!"
"Nilunod niya po yung kaibigan ko, Tita. I don't think 'sorry' is enough," sabi ko kay Tita sa telepono.
"Oh my God. Is your friend okay?"
"She's fine, Tita. Pero galit na galit ang ibang kaibigan namin dahil sa ginawa niya."
"Okay, I'll fix this. Don't worry," sabi niya.
Pagkatapos naming mag-usap, tinignan ko si AC. Ayon sa doktor, maayos na ang lagay ni AC. Masyado lang siyang maraming nainom na tubig. May sprain din siya sa paa kaya siguro di siya makagalaw at nalunod siya.
Hinawakan ko yung pisngi niya. "I'm so sorry about this, AC. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana siya pinabisita dun. I'm so sorry," sabi ko.
Kasalanan ko lahat ng 'to. Alam kong napaka-OA ni Mami at minsan ay di niya napipigilan ang sarili niyang manakit ng ibang tao pero dinala ko pa rin siya dun.
Kilala niya si AC. Alam niyang si AC ang nagpapatibok sa puso ko. Obsessed sakin si Mami, to be honest kaya siguro ginawa niya ang mga bagay na yun kay AC.
I'm so sorry, AC. I'll make sure that this will not happen again, I assure you. Just please, wag kang iiwas sakin after what happened.
*ring ring ring*
Sinagot ko ang tawag ni Mama.
"Yes, Ma?" Bored na tanong ko.
Mabuti naman at tumawag pa siya sakin. Akala ko nga e wala na siyang pake.
"I heard what happened," sabi niya.
"Don't worry. I won't cause you any trouble. I can handle this all by myself," sabi ko.
I don't need her. I don't need her help. I don't need her connections. I can handle this all by myself.
"I want you to go back here in the Philippines. WITH MAMI."
Napanganga ako sa sinabi ni Mama. What?
Magsasalita pa sana ako pero binaba na niya agad ang telepono.
Aalis na ako sa Japan... Hindi ko na naman siya makikita. Hindi ko na naman makikita ang mga ngiti't tawa niya. Hindi ko na naman masasabi ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Such a coward, me!
---
"Ano? Aalis ka dito sa Japan?" Gulat na tanong ni Nash.
Tumango ako. "Nag-decide agad si Mama without asking kung gusto ko ba o hindi. I'm so sorry," sabi ko at tumungo.
"So, it means babalik na rin kami ng Pilipinas?" Tanong ni Angelique.
Oo nga pala. Sinabi ko sa kanila na kapag aalis ako, aalis na rin sila. Pero...
"All of you will stay. I will handle this. Please take care of AC for me," sabi ko.
"Pero sigurado ka na ba? Tsaka di pa nababayaran ng bruhang si Mami ang mga kasalanang ginawa niya kay AC!"-Shane.
"I'm sorry, Shane. I know na galit ka pa rin kay Mami pero aalis na rin siya kaya wala nang magiging problema. Let's just forget all about it please," pagmamakaawa ko.
"Aalis ka nang hindi man lang umaamin kay AC?" Napatingin kaming lahat sa seryosong tanong ni Janna sakin.
Tumungo ako at sandaling di nagsalita. Dahan-dahan akong tumango. Wala na akong magagawa kapag nag-desisyon si Mama.
"Ang duwag mo, Brace. Ang torpe mo, ang tanga-tanga mo," hindi na ako lumaban pa.
Tama naman siya e. Duwag ako, torpe at tanga. These past few years, tinago ko yung totoong nararamdaman ko para kay AC kasi natatakot ako na baka iwan na naman ako. Pero ngayon... ako pala itong mang-iiwan.
"Tama na yan, Janna. Respetuhin na lang natin ang desisyon ni Brace," sabi ni Grae.
"Respetuhin?! Brace, di mo ba napapansin yung totoong nararamdaman ni AC para sayo?! Manhid ka ba o talagang nagmamanhid-manhidan ka lang?!" Hindi ko masagot ang tanong niya.
Totoong alam ko ang tunay na nararamdaman ni AC para sakin. At ang saya-saya ko nung nalaman ko iyon. Pero anong magagawa ko? Hindi ko pwedeng suwayin ang sinasabi at inuutos sa akin ng mga magulang ko.
"I'm sorry," yun lang ang nasabi ko.
Napapalo siya ng malakas sa lamesa. "Sorry?! Tanginang sorry na yan! Anong magagawa niyan, Brace? Diba wala? So please, stop saying that word! It's damn annoying!" Sigaw ni Janna.
Pinigilan na siya ni Joaquin at pinaupo pero hindi niya ito ginawa. "Umalis ka kung gusto mong umalis. Pero tandaan mo 'to, wala ka nang AC na babalikan pa. Kahit na mga kaibigan mo," sabi niya sabay walk out.
Napa-face palm ako. Damn it! Damn it! Damn it! Gulong-gulo na ako!
Tinapik ako ni John sa balikat. "'Wag mong pansinin si Janna, Brace. Nagulat lang siya dahil sa biglaang pag-alis mo. Rerespetuhin namin ang desisyon mo, Brace. Kung yun ang mas makabubuti," sabi ni John.
Sumang-ayon din yung iba. "Basta kapag bumalik ka dito, sana makilala mo pa kami. Sana isang babae pa rin ang nasa puso mo at walang iba kundi si AC," sabi naman ni Angelique.
"Sana pagbalik mo dito, makikita mo pa kami. Malay natin, bumalik tayo sa Pilipinas nang walang pasabi," sabi naman ni Shane.
"Oo nga. Hanapin mo kami, bro."-Joaquin.
"Pasalubong namin ah?"-Grae.
Natawa ako sa sinabi ni Grae. Ang hilig niya talagang mambasag ng moment! Hahahahaha.
"Babalik ako. At sa pagbabalik kong iyon, hinding-hindi na ako aalis pa."
-----------------------------
A/N: Awts. Kung noon ay si AC ang nang-iwan, ngayon naman si Brace. Ano ba naman 'to?!
Sila nga ba ang para sa isa't-isa? Pero kung sila, bakit pilit silang pinaglalayo ng tadhana.
REMINDER: Malapit nang matapos ang Ultimate Crush. Hays. Hahahahaha. Thank you po sa nag-vote at nag-comment. Yung kahit na ang tagal kong mag-update, naghihintay pa rin sa update ko. (You know who you are). Thank you so much! Loveloooooots! 💕

BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
FanfictionThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.