Chapter 28: Confession

60 4 0
                                    

ANDREE

Uh-oh.

"P-Pwede sa room na lang?" Kinakabahan kong tanong.

Bukod kasi sa natatakot ako, nasa madilim din kaming lugar. Buti nga at nakikita ko pa ng kaunti yung mukha niya.

PROMISE. Ang gwapo niya po 'pag malapitan! 😂

"No. I want it here," matigas niyang sabi.

Tinikom ko na lang yung bibig ko. Okay na nga e. Siya na panalo!

"I just want to say... 'Wag mong ipagpilitan si Sattori sakin. Dahil hindi siya yung gusto ko. I have someone I like so please, I want you to stop helping her.  Siya at siya pa rin ang masasaktan sa huli," sabi niya.

May point siya e. Alam ko namang in the first place na walang pag-asa si Sattori e. Pero tinulungan ko pa rin siya. So, all of these... Ay kasalanan ko? 😱

"P-Pasensya na," sabi ko.

Biglang nag-ring yung phone niya. Kinuha niya ito at sinagot. "Hello, Mami?" Hindi ko alam kung naiirita siya or what.

Pero teka nga, teka nga. SINO SI MAMI? O Mommy? Nanay niya o ibang babae? Oh noooooo! 😱

"Okay, I got. I'll call you later, okay?" Tapos pinatay na niya yung phone.

OH NO! Siya pa talaga ang tatawag?! OOOOHHHH!

"Please, okay? I want you to stop," sabi niya. "Okay. Pwede na tayong magpakita," dagdag niya.

At pagkatapos ay nauna na siyang maglakad kesa sakin. Habang ako, napaisip sandali.

Paano ko sasabihin kay Sattori na ayaw ni Brace na tinutulungan ko siya? Namaaaaaaaaan! Brace naman e. Why don't you give her a chance to prove herself?! Mabait naman si Sattori e. She deserve someone like Brace. Yeah... Yeah.

"Hoy, Brace! Bwisit kang lalake ka! Saan ka ba galing?!"-Shane.

"Somewhere in the Earth," sagot ni Brace.

"Aba't gago ka pala e!"-Shane. Sabay batok kay Brace.

Pero hindi siya pinansin ni Brace at naglakad na lang paalis habang ginugulo yung kanyang buhok.

"Hoy! How dare you na hindi ako pansinin! Hoooooy, Braaaaace! Walangya ka! Sabihin mo samin kung saan ka nanggaling!!" Pero kahit anong sigaw o pagmumura ang gawin ni Brace, hindi pa rin siya pinapansin ni Brace. Mukhang na-bad mood ata si Brace. Is it my fault? Hmm. It seems so.

Haaaaaaaaay. Jusko, Brace! Piling-pili ka pagdating sa mga babae! *sigh*

Pero sino kaya yung Mami? Tsaka sino kaya yung taong gusto niya? Baka yung Mami? Nakuuuu.

"Wuy, ikaw nakahanap kay Brace nuh? Kanina ka pa nawawala e. So, what happened?" Pabulong na tanong sakin ni Janna.

"Yeah. Tsaka wala namang nangyari kanina e. Nag-usap lang kami sandali," sagot ko.

Tinignan niya lang ako na parang tinutukso ako. Haaaaaaay! Ano ba yan! Nandyan na naman yang tingin niyang yan!

---

"Huy, samahan mo 'ko. May bibilhin ako sa convenience store," sabi ni Janna.

Bumuntong-hininga ako at labag sa loob na sumama sa kanya. Like, duh? Nakakapagod kayang tumayo at maglakad-lakad kasama ang isang 'to.

Habang naglalakad kami, biglang nahagip ng mga mata ko sina Sattori at Brace na nag-uusap.

"Huy!" Hinila ko agad si Janna at nagtago kami sa poste malapit sa kanila.

"Huy, anyare sayo?" Takang tanong ni Janna.

Pero imbes na sagutin siya, tumingin ako sa direksyon nina Sattori at Brace. BAKIT SILA MAGKASAMA?

"Tsk. Bakit nandyan si Brace?" Inis na bulong ni Sattori.

Kahit ako, hindi ko alam kung bakit sila magkasama. Tsaka, bakit silang dalawa lang?

Nanlaki ang mata ko at napatakip ako ng bibig nang bigla akong may naisip na posibilidad kung bakit sila nag-uusap ngayon.

Don't tell me... MAGCO-CONFESS NA SI SATTORI KAY BRACE? God! Bakit hindi niya sinabi sakin?! Ang aga naman niya! Hindi ko pa nasasabi sa kanya yung gustong sabihin ni Brace! Patay na bai!

"U-Umm!"

Naririnig namin ni Janna ang mga pag-uusap nila. Hindi ko sila makita kasi nakatalikod ako sa poste. Baka kasi makita ako. Si Janna lang yung nakakakita.

"I-I like you, please go out with me," sabi ni Sattori.

Oh God. Tama nga. She finally confessed.

"Umm... Okay..."

Nanlaki ang mata ko sa sinagot ni Brace.

Tumakbo ako ng mabilis paalis. No! Why?! Why am I running away?!

Bakit? Bakit ako nasasaktan?! I thought wala na akong nararamdaman! But, why is this?!

Iniisip ko pa lang na sila na, parang unti-unting nababasag yung puso ko. BAKIT?! AAAAAARGH!

Habang tumatakbo ako, nakasalubong ko si Ritsu. Bumalik siya.

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Andree? Hey, hey. What happened to you?" Gulat at takang tanong ni Ritsu.

"Let's stay like this for awhile," sabi ko.

Niyakap niya rin ako pabalik. I feel safe on my bestfriend's arms.

------------

A/N: Wag muna natin pahabain masayado. HAHAHAHA.

Next chapter! Anong mangyayari kay Brace?! At talaga bang um-okay siya na maging sila ni Sattori?! 😱 Paano na si AC?! 😰😱

Vote and comment.

—jhelachan

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon