Chapter 26: Soccer

64 5 1
                                    

ANDREE

"Hello?"

[Hello, AC! Si Shane 'to. Punta kayo dito sa bahay nina Brace! Bilis!] nagmamadaling sabi ni Shane sa kabilang linya.

"Huh? Bakit may nangyari ba?"

Meron bang masamang nangyari sa bahay ni Brace? 😱

Saglit na natahimik tapos bigla ko na lang silang narinig na nag-aagawan nung phone.

[Hello, AC! Si Angelique 'to—Ano ba! Ako na nga ang masasabi e! Ah, AC. Naglalaro kasi sina Brace at yung apat ng soccer sa bakuran nina Brace! Kaya punta ka at i-cheer mo si Brace mo!]

"Huh? Okay, sige. Pero pwede ba akong magsama?" Tanong ko.

Gusto ko sanang isama si Sattori kasi you know. Baka may magawa ako para sa kanya! Tsaka si Ritsu na rin. Mahilig din sa soccer yun e!

[Huh? Bakit magsasama ka pa? Wag na yung Ritsu! Epal e. Tsaka yung Sattori, masyadong clingy—(Hoy, Angelique! Ano ba yang pinagsasabi mo?!-Janna) Ay, joke. Sige, punta ka na kasama yung mga kaibigan mo! Dala ka rin ng pagkain ah! Yun lang, bye!]

*toot toot toot*

Halaaaa? Anong problema ng mga yun?

Anyway, inimbita ko na yung dalawa at masaya naman silang um-okay.

Of course! Si Sattori tatanggi? No way. HAHAHAHAHA.

---

"Kon'nichiwa!" Masayang bati ni Sattori pagdating na pagdating namin sa bahay nila Brace.

[Kon'nichiwa=Hello]

Grabe pala ang laki ng bahay nila Brace! Parang isang mansyon ang bahay nila! Napakaganda at napakalaki nung fountain nila! Tapos pagkapasok na pagkapasok pa lang nung malaking gate, sasalubong sa iyo ang napakaraming pulang rosas! Tapos may napansin rin ako tree house! Woaaaah.

"Uy, hello! Pasok kayo," si Janna ang sumalubong samin.

Pumasok kami ng bahay at napa-WOW talaga ako nang makita ko yung loob.

May malaking chandelier sa gitna tapos naka-red carpet yung entrance papunta sa next floor! THIS PLACE IS AWESOME!

Dinala kami ni Janna sa may sala at nagulat na lang kami nung nakita namin ang kalat sa sala.

"Yo, AC!" Bored na bati sakin ni Shane habang nakadapa tapos nanonood ng tv at kumakain ng curls.

"Hi, AC." Bati ni Angelique habang naglalaro ng PSP.

"Oh, where's Brace and the others? Where's their bakuran, anyway? Let's go there now!" Excited na sabi ni Sattori.

Heeeh. Ang excited talaga ng babaeng 'to.

"We're going now," sagot ni Janna tapos tumingin siya dun sa dalawa. "Hoy, kayong dalawa. Tayo na dyan," utos ni Janna.

Tumayo silang dalawa. At si Shane parang ayaw nang pumunta. Halaaa? May ginawa ba ako na hindi niya nagustuhan?! 😱

So, yun nga. Tumungo na kami sa bakuran nila Brace. Si Ritsu ang may hawak ng mga pagkain namin. Marami-rami yun pero very kaya niya lan yun! HAHAHA.

Habang naglalakad kami, nilapitan ako nung tatlo. "Huy, sabihin mo nga... May gusto yang Sattori na yan kay Brace nuh?" Bulong sakin ni Shane.

Hala kaaaaaaaa! Paano nila nalaman?! 😱

"Hehe. Oo e," kamot-batok kong sagot. Anong magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng magsinungaling sa mga kaibigan ko e! HAHAHAHA.

"Heh? Let me guess. Sinabi niya sayo yung totoo niyang nararamdaman para kay Brace tapos nagpatulong siya sayo. At dahil pinanganak kang mabait, um-oo ka na tulunga siya. Am I wrong?"-Angelique.

Umiling ako sabay thumbs up. "Tama ka! Ang galing mo, Angelique!" Sabi ko.

Pero binatukan ako ni Janna. "Tanga ka ba? Bakit ka um-okay na tulungan yang kaibigan mo? Diba sayo si Brace?"

"Heh? Kailan naging akin si Brace, Janna? Wala naman kaming past e," sabi ko tapos tumawa ng napaka-fake.

"Pero boto kami para sa inyo ni Brace. Solid Andrace kami, AC!" Sabi ni Janna.

"Hayaan niyo na! Gusto kong maging masaya yung kaibigan ko e," sabi ko.

"So, siya magiging masaya tapos ikaw yung male-left behind? What the hell?"-Shane.

"Kayo talaga! Hayaan niyo na. Tsaka si Brace naman yung magde-desisyon e," sabi ko pa.

"Sige. Pero sinasabi na namin 'to sayo, 'wag na 'wag kang gagawa ng kahit na ano na hindi magugustuhan ni Brace. Okay?"-Janna.

"Okaaaay," sabi ko. Wala naman akong gagawang masama e. Tutulong lang ako na mapalapit si Sattori kay Brace! 😚

---

Pagdating namin dun, seryoso silang naglalaro lima. Pero may kasama sila na hindi namin kilala e.

"Uy, sino yang kasama nila? Yung maliit na lalake dun na kasama nila maglaro?" Tanong ko kay Janna.

"Ah, yan. Si Lucky Ancheta yan! Pinsan ni Brace. Gwapo nuh?" Sagot ni Janna.

Tumango ako. "Pwede na," mas gwapo kasi si Brace. Hihihihihi. HEH! Tama na, Andree. Erase that feelings of yours to Brace, okay?! Kay Sattori na yan!

"Hindi rin yan marunong mag-tagalog kaya mag-ingles ka 'pag kausap mo yan," sabi niya.

Tumango ako. Aaahh. Halata naman sa itsura niya na hindi siya marunong mag-tagalog e. Dito ba siya sa Japan nanirahan since birth? Pero hindi siya mukhang Japanese e.

"HOOOOY! BRAAAAAACE!" Malakas na tawag ni Shane kina Brace.

Napalingon sila at tumigil sa paglaro. At pagkatapos ay naglakad sila papunta samin. Kahit malamig, pinagpapawisan sila. Mukhang kanina pa sila naglalaro ah!

"Oh my gaaaawd. Brace's so hot!" Mangha na bulong sakin ni Sattori.

"Ah, yeah." Sang-ayon ko. Totoo naman e. HAHAHAHAHA.

"Uy, AC! Ibigay mo 'tong mineral water kay Brace oh!" Sabi ni Angelique sabay bato nung mineral water papunta sakin.

Buti na lang at nasalo ko e. Required itapos yung bote e. Haaaay.

"Andree-chii, can I give it to Brace-kun, please?" Pagmamakaawa sakin ni Sattori.

WHAT?

Gusto ko sanang tumanggi kasi baka magalit sakin yung tatlo pero hindi nga ako makatanggi sa cuteness niya kaya ayun! Um-okay ako! Last na 'to. Hindi ko na ipapasa sa iba yung binigay saking responsibilidad. Promise!

Tinignan ko lang siya na ibigay kay Brace yung mineral water. At natawa ako nang mahina nang makita ko ang reaksyon ni Sattori habang binibigay niya yung bote kay Brace.

Pero natahimik din ako kaagad at ngumiti ng malungkot. Ganyang-ganyan ako nung high school pa lang kami e. Yung kaba sa dibdib ko kapag lumalapit ako kay Brace. Yung tibok ng puso ko kapag tinitignan niya ako... Pero hindi na pwedeng ibalik ang dati e.

Tumingin ako kay Brace at saktong napatingin din siya sakin. Umiwas ako kaagad ng tingin at ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko.

This is wrong. Kailangan kong alisin yung nararamdaman ko para sa kanya kasi baka masaktan ko si Sattori.

Napatingin ako dun sa tatlo at... "EEEKKK!"

Grabe yung tingin nila sakin! UWAAAAAAAAAAAAAAAH!

-----------------

A/N: Naku, naku. Patay ka na, AC. Bakit mo pa kasi yun ginawa? 😰😱

Next chapter!
Magagalit na si Brace kay AC dahil sa ginagawa nito? Anong gagawin ni AC para mabura ang feelings niya para kay Brace?! ABANGAN. 😉

Vote, comment and be a fan! ♥️

—jhelachan

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon