•A N D R E E•
Tahimik lang kami ni Brace habang gumagawa ng chocolate cake. Kung may aabutin siya, it's either umuubo siya ng fake or he's just poking me.
Mygad. I kennat. Di ko matatagalan 'tong katahimikan na 'to. PERO WHAT SHOULD I DO? Anong gagawin ko para magkausap kami?
"Umm..." Sabi ko sabay tingin sa kanya. Nagfro-frosting na kasi kami. Nakatayo lang ako sa tabi niya habang tinitignan siya.
"What?" Tanong niya nang hindi nakatingin sakin.
"Bakit late ka umuwi kagabi?" Tanong ko kahit alam ko na naman ang totoong dahilan.
Tumigil siya at tumingin ng seryoso sakin. Napalunok ako. "I think... It's none of your business," sagot niya.
Napatingin ako sa malayo. Awts. Sakit naman nun hahahahahahahaha.
"Okay, then." Sabi ko at pinaglaruan yung kutsilyo.
Habang ine-enjoy ko ang paglalaro, bigla niyang hinawakan ang braso ko sabay hablot ng kutsilyo sa kamay ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Don't play. It's not a toy," seryoso niyang sabi.
Tinikom ko na lang ang bibig ko at umupo sa tabi hanggang sa matapos siya. Sabi ko nga, mananahimik na lang ako.
---
Kinain na namin yung gawa naming chocolate cake habang nanonood ng One Piece.
Emeged. Hanggang 12 midnight kami nanood. I think, ako na lang pati si Brace ang gising. Kami nga nagligpit ng lahat e.
Tinulungan ko si Brace na kargahin ang mga kaibigan namin. Isa-isa. Sheeeeyt. Ang bigat-bigat nila.
1 am na ata kami nakatulog e kasi inayos pa namin yung sala, naghugas ng pinggan at kinarga nga sila.
---
Naalipungatan ako sa liwanag. Pagbukas na pagbukas ko ng mga mata ko, tumingin agad ako sa wall clock na nasa kwarto namin.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung anong oras. "Oh shit!" Mura ko sabay tayo.
Napansin ko agad na wala na yung mga kasama ko sa kama. Nasaan sila Janna?
May nakita akong maliit na papel na nakaipit sa ilalim ng phone ko.
Dear AC,
Mauuna na kami sa school. Late na kasi kami e. Hehehe. Geh! :*
-mga dyos at dyosa mong kaibigan
Napa-face palm ako. Mygad. HINDI NILA AKO GINISING AT HINAYAAN AKONG MA-LATE NG BONGGA.
Dali-dali akong nag-toothbrush at lumabas sa kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas ko, sakto ring lumabas si BRACE sa kwarto nilang mga lalake.
"INIWAN KA RIN?!" Sabay naming tanong sa isa't-isa at sabay rin kaming natawa.
"Siguradong they planned all this," sabi ni Brace habang tumutungo kami sa kitchen.
![](https://img.wattpad.com/cover/75744586-288-k790582.jpg)
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
FanfictionThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.