BRACE
Lately, napapansin kong parang umiiwas sakin si Andree.
I thought dahil sa cold treatment ko sa kanilang lahat. But then, I realized that I was wrong.
Kasi yung totoo, pinipilit niya yung kaibigan niyang si Sattori sakin. I hate it.
Kasi yan yung pinaka-ayaw ko e. Yung pinagpipilitan ang isang tao sakin kahit wala naman akong nararamdaman para sa kanya.
Naisip ko, Paano naman yun malalaman ni Andree? She didn't know me. Wala siyang alam tungkol sakin.
Pinilit ko yun intindihin e. Pero sa bawat araw na lumilipas, parang lumalala na. Yes, minsan umiiwas ako sa kanya. Pero hindi naman siguro tama na iwasan niya ako kasi gusto ako ng kaibigan niya, diba?
Napikon ako sa kanya kanina hindi dahil si Sattori ang nagbigay yung bote ng mineral water sakin. Alam ko kasing sa kanya yun pinabigay kasi narinig ko yung sigaw ni Angelique kanina.
Pero yung totoong dahilan kung bakit ako napikon? Kasi umiwas siya ng tingin nung nagtama yung tingin namin.
Tsk.
"Oh! Perstaym kong makatikim ng sushi! Uwaaaaah! Ang sarap pala neto?!"-Shane.
"Masarap talaga yan. Paborito yan ni Sattori e," sabi niya. Napansin kong tumingin siya sakin saglit pero nagpanggap akong di ko nakita.
Masaya silang kumakain ng sushi habang ako, nanonood lang ng tv. Nawalan ako ng gana kumain.
"Hoy, Brace! Kumain ka nga!" Utos ni Janna pero umiling lang ako.
"Brace!" Tawag ni Andree.
Syempre, tumingin ako sa kanya pero pagkatingin ko ay sa kanya ay bigla niya akong sinubuan ng sushi.
"There! Kumain ka na," nakangitin sabi ni Andree.
Ngumuya ako. "Ah, thanks," sabi ko. Wala naman akong magagawa dahil sinubo niya sa bibig ko yung pagkain.
"Aba! So, mas gusto mo pala yung sinusubuan?" Tanong ni Joaquin.
"Guys, attack!" Sigaw ni Grae.
Nagulat ako nang bigla na lang silang tumayo lahat(except Ritsu, Sattori and Andree) at pagkatapos ay pinilit akong kainin yung mga sushi.
"Argh! Give me a break, dammit!" Inis kong sabi sa kanila.
Pero imbes na matakot, tinawanan lang nila ako. Tss. Kailan ba nila ako seseryosohin? 😑
Inis akong tumayo at pinulupot yung muffler ko sa leeg ko. I'm outta here.
"Oh, Brace. Sorry na! HAHAHAHA. Saan ka pupunta?" Tanong ni Nash.
"Magpapahangin," simple kong sagot.
"Huh? Ang lamig na ah."-John.
"Gusto mo bang dalhin ko yung electric fan niyo? Dun ka na lang magpahangin. Malakas pa," natawa ang lahat sa suggestion ni Grae.
Like, what the hell? Ang slow ni Grae! Napaka-inosenteng bata kahit yung totoo, hindi naman talaga!
"Shattap, Grae. Babalik lang ako. Papupuntahin ko dito si Lucky," sabi ko.
Kanina pa kasi yun wala dito e. Sabi niya, magpapalit lang siya ng damit pero kanina pa siya wala! That guy...
Umalis na ako. But the truth is... Hindi ko naman talaga tatawagin si Lucky. Maaasahan yun tsaka 'pag pagkain na ang pinag-uusapan? Hindi pwedeng wala siya. HAHA.
I'm waiting for a phone call.
*ring ring ring*
Speaking of.
"Hello...
Mami."
ANDREE
Kahit wala si Brace, ang ingay pa rin nila. Kanina pa rin kami pinagsisilbihan ng mga maids at butler nila Brace. Bengga noh?! Ang yaman nila!
Mga feel at home talaga kami e.
Umalis ngayon-ngayon lang si Ritsu. Kailangan daw kasi siya ng nanay niya e. Kaya ayun! Iniwan kami dito ni Sattori! Bahala na nga siya!
"Hi everyone!"
Napatingin kami sa bagong dating.
"Oh, Lucky! Come here, come here! Join us," sabi ni Shane.
Buong akala ko, kasama niya si Brace. Pero ni anino ni Brace, wala e. Pinauna niya ba dito si Lucky dahil meron pa siyang lugar na dapat puntahan? Mm.
"Hala ka? Where's your cousin?" Tanong ni Angelique.
"Ah, Brace? I dunno. I thought he's here," sabi ni Lucky.
Hala ka! Hindi pumunta si Brace sa kanya? SO, NASAAN SI BRACE HENRY ARQUIZA? 😱
"Huh? He didn't went to your house to pick you up?" Tanong ni Janna.
"No, he didn't. Why?"-Lucky.
Nagtinginan kaming lahat. At isa lang ang tanong na nasa isip namin. SAAN PUMUNTA SI BRACE?
Nag-panic kaming lahat. At napag-isipan na hanapin si Brace. Baka daw kasi namatay na sa lamig ng snow. Gago yun si Grae!
So, yun nga. Hinanap namin si Brace. Kasama ko sa paghahanap si Sattori at Joaquin.
Habang naghahanap kami, biglang may tumakip sa bibig ko at hinila ako papunta sa madilim na lugar.
"HMMMP!" Sinubukan kong sumigaw dahil natakot ako. Kidnapper ba 'to? Jusme. Wag naman sana!
"Ssshhh. Andree, it's me."
BRACE?!
Tinanggal niya yung kamay niya sa bibig ko at hinarap ko naman siya.
"Saan ka galing?" Bulong ko sa kanya.
"Naglakad-lakad lang sandali," sagot niya.
"Teka, bakit ba tayo nagtatago?" Tanong ko sa kanya.
Pwede naman kaming magpakita na kasi baka pagod na yung iba sa paghahanap.
"Let's stay here. I need to talk to you," sabi niya.
Napalunok ako. "T-Tungkol saan?" Kinakabahan kong tanong.
"About your friend, Sattori."
Napalunok ulit ako.
Uh-oh.
----------------
A/N: SORRY PO TALAGA! Kasi sinabi ko sa last chapter na this chapter ay about kung magagalit ba si Brace kay Andree! Huhuhu. Naisip ko kasi na isama si Lucky Ancheta! KYAAAAAAAH! Luckyyyy! So, yun nga!
The next chapter, dun na yun kung magagalit ba si Fafa Brace kay Andree!
So, don't forget to vote and comment! ♥️
—jhelachan
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
FanfictionThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.