C H A P T E R 5: Sungit

172 4 0
                                    

Dedicated to -- @omghanie

Soooorry po talaga kung now lang naka-UD. I am veeeeeery busy. Ang daming gagawin! Argh.

Sana po maintindihan niyo :) Thanks ;)

--

JOHN

Ako si John Emmanuel Bermundo. Ako ang pinaka-cute sa lahat ng cute. Hehehe.

Matalik kong kaibigan si Brace Henry Arquiza na ngayon eh, dumadamoves na kay AC. Ang swerte ng lokong yun!

Napapansin ko rin si Joaquin. Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo nun kapag kaharap yung kaklase naming si Angelique. Ewan ko ba dun!

"Hi, John."

"Waaah~ John, Hello!"

"Kyaah~ Ang cute mo, John!"

Nginingitian ko lang ang mga babaeng bumabati sakin. Tsk. Iba na talaga kapag pinanganak kang sobrang cute! XD

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang library. Gusto ko kasing matulog eh. Magkukunwari na lang akong nagbabasa pero yung totoo, natutulog talaga.

Pagdating ko sa library, sumilip muna ako sa loob. Uy! Konti lang yung tao! Chance na 'to!

Tahimik at cool akong pumasok sa loob ng library. Tumingin-tingin muna ako sa mga libro. Hahanapin ko yung makapal-kapal tapos malaki para siguradong hindi ako mabubuking.

Nag- ring na yung bell at buti na lang! Makakapahinga ako ng tahimik dito sa library.

Kinuha ko yung isang malaki at makapal na dictionary. Syet! Ang bigat ah! Pero kaya ko 'to!

Maglalakad na sana ako papunta dun sa upuan na uupuan ko sana nang matigilan ako.

May nakita kasi akong babae na mukhang nahihirapan sa pag-abot ng libro. Sabagay, nasa mataas yun.

At dahil cute ako (hayaan niyo na, kahit walang connection), lumapit ako sa babae at ako na ang kumuha dun sa libro na pilit niyang kinukuha.

"Here." Sabi ko sabay abot sa kanya ng libro.

Nakatungo niyang kinuha ang libro. Bakit hindi siya tumitingin sakin? Ang cute ko naman kaya bakit?

"Thanks." Sabi niya.

Nilagpasan niya ako. At nanlaki bigla ang mata ko. What the hell? That familiar scent... That familiar voice...

Hindi ako pwedeng magkamali!

Hinila ko sa braso ang babae at nakita ko ang gulat niyang mukha. Shit. Sabi na nga ba eh.

"Shane..?"

Oh God! Siya nga! Si Shane nga!

She rolled her eyes. "Let me go." She said coldly.

Muntik na 'kong matawa. Hah. Bakit ako umaasa na magiging "nice" siya sakin. After what I did... She can't trust me anymore.

I let her go. "Sorry. Nagulat lang ako." Sabi ko nang hindi makatingin sa mata niya.

"Hah. Lakas rin ng loob mo eh." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

Umalis na siya sa harap ko at naiwan akong gulat at hindi pa rin makapaniwala.

Why is she here? Bakit bumalik siya? Saan ba siya pumunta noon?

Napasabunot ako sa buhok ko. Argh! As if naman na masasagot ko yang tanong ko! Psh.

Nakita ko siyang umupo dun sa desk ng librarian. Wait. Librarian siya dito?

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon