ANDREE
Oh God. Si Brace ba talaga 'tong nasa harap ko ngayon? Gosh!
"An-Andree..." Hindi makapaniwalang sabi ni Brace.
God! Kahit ako, di makapaniwala! Ang daming tanong ang nasa isip ko. Bakit siya nandito? Sino yung kasama? What's his purpose? GOD!
"Brace, tangina! Pumasok ka na! Gutom na gutom na ako!"
Oh my God. Boses ba ni... Shane yun?
Kinakabahan na ako na natutuwa. Sheyt. Makikita ko na ba ulit sila after three years?!
"Oo nga, Brace. Kung ayaw mong pumasok, kami yung papasok. Tabi!"
Tapos may biglang sumiksik na babae sa tabi ni Brace.
Dammit! That height... That voice...
"JANNAAAAAAAA!"
Maiyak-iyak kong sigaw sabay yakap sa kanya.
"A-AC?!" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"Oh my God! I miss you so so much, Janna!" Umiiyak kong sabi sa kanya habang hinihigpitan pa yung yakap ko sa kanya.
"Gosh! Ikaw nga. I miss you too, AC. Tagal mong nawala!" Ramdam ko na gusto na rin niyang maiyak.
Oh my God! Oh my God! I didn't expect this to happen.
"Uhh... Guys? Pwede mamaya na kayong mag-drama? Nasa pintuan talaga kayo e," napatingin ako kay Angelique.
Oh my God. I miss this gal!
Tumabi kami dahil nasa harap nga talaga kami ng pintuan nung shop. Pinagtitiginan tuloy kami pero I don't care! Nakita ko na ulit sila!
Niyakap ko silang tatlo. "I miss you, guys!" Naluluha kong wika.
"Umm... Andree-chii? Who are they?" Tanong ni Sattori.
Oh my! Nakalimutan kong kasama ko pala sila!
"Oh, sorry! Sattori, Ritsu. These are my friends from the Philippines," pakilala ko sa kanila.
"Hi there! I am Sattori Kou. Nice to meet you," nakangiti si Sattori and she slightly bowed.
"I'm Ritsu. Ritsu Makoto. Half-filipino ako," sabi ni Ritsu and he also bowed.
Pinakilala rin nila Janna yung mga sarili nila.
"Oo nga pala, bakit si Brace lang yung nandito? Nasaan sila Grae?" Tanong ko.
"Nauna na sa hotel kasi pagod daw sila sa byahe at matutulog na muna," sagot ni Brace.
Oh? So, kararating lang nila dito sa Japan. Nice!
"Naku, AC. Ang dami kong ikwe-kwento sayo! Kaya please, mag-stay ka na rin sa hotel kung saan kami! Kahit ngayong lang!" Pagmamakaawa ni Janna.
"Oo nga, AC. Ang dami naming gustong ikwento sayo!" Sabi naman ni Angelique.
Umm... Tumingin ako kina Ritsu.
"Guys, you can go. I'll stay with them," sabi ko.
"Eh? Pero papagalitan ka kapag wala ka dun sa dorm niyo," sabi ni Ritsu.
"I know. Pero ngayon ko na lang ulit sila makakasama. So, please?"
Ritsu sighed. "Okay, fine. Ako nang bahala para hindi ka na ma-punish."
"Yay! Thank you, Ritsu. That would be a great help!" Sabi ko.
Umalis na sila at naiwan kami dito. "Tara?"
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
Fiksi PenggemarThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.