Chapter 19: Bye

93 3 0
                                    

BRACE

11:30 pa lang. Pero nandito na ako sa park at hinihintay si Andree na dumating.

Napakamot ako sa ulo ko. Naman! Di halatang excited ako.

Tumitingin-tingin lang ako sa mga taong dumadaan habang hinihintay siya. Napapadalas rin ang pagsulyap ko sa relo  na suot ko.

Maya-maya pa, may biglang tumawag sa cellphone ko. Agad-agad ko itong kinuha dahil akala ko, si Andree ang tumatawag. Pero mali ako.

"Oh, Grae?" Si Grae yung tumatawag.

"Bad news, Brace!" Kumunot yung noo ko sa sinabi niya. Huh? Bad news?

"Ano ang bad news?" Tanong ko.

"Narinig namin, wala na si Andree sa Pilipinas! Nasa Japan na siya!"

Napatayo ako sa sinabi niya. What? Nasa Japan?

"Saan mo narinig?" Tanong ko.

"Kina Janna! Binisita nila ang bahay ni Andree pero sabi ng maid, wala na sila sa bahay na yun. Umayos sila kaninang umaga!"

Napaupo ako. "Okay, sige." Sabi ko.

"Brace! Wala ka man lang bang gagawin?!"

Anong gagawin ko? Umalis siya. Nang hindi sinasabi sakin. At eto ako, excited na makita siya pero wala naman pala.

Hindi ko na sinagot pa si Grae at pinatay na lang yung phone ko.

Napatakip ako ng mukha ko at bumuntong-hininga. Andree, bakit ngayon ka pa umalis? Kung kailan, ready na akong mag-confess?

Argh!

Ginulo ko na lang yung buhok ko at tumayo. Pagkatapos ay umalis na sa park.

---

(A/N: Ito yung time na aalis pa lang si Andree.☺️)

ANDREE

"Andree, bilisan mo na dyan." Sabi ni Mama.

Sumunod na ako sa kanila. Ngayon na ang alis namin papuntang Japan. *sigh* Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanilang lahat. Aish!

We'll stay there for good. So, it means... Hindi ko na sila makikita pa. Naman!

Sorry. Brace, Nash, Joaquin, Grae, John, Janna, Shane and Angelique. Sana kahit hindi ako nagpaalam sa inyo, hindi kayo magagalit sakin.

----------

OK! Short UD muna!😂 Sensya, may practice kami eh. Male-late na ako!

Abangan na lang ang susunod na chapters! Sa Japan naaaaaaaa!

Magkikita pa ba sina Andree at Brace? Paano sila magkikita kung nasa Japan si Andree at nasa Pilipinas si Brace?

At sino itong mga bagong dadating sa buhay nila?

Abangaaaaaaaan.😍

—jhelachan

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon