CHAPTER 34

54 1 0
                                    

•A N D R E E•

"Guys, this is Mami."

Sa wakas, pinakilala na niya samin si Mami na parati niyang ka-text, ka-chat at ka-call parati.

"Hello everyone!" Masiglang bati nung Mami.

Nagpakilala rin kaming lahat ng maayos sa kanya. Pero alam niyo yung napapansin ko? Panay yung tingin niya sakin. At hindi lang basta tingin yun. ISANG MASAMANG TINGIN.

Tapos minsan kapag nahuhuli ko siya, ngingiti siya sakin ng fake. Ano 'to? Plastikan? Ano bang ginawa ko sa kanya?

"You're Andree, right?" Tanong niya sakin nung naghuhugas ako ng pinggan.

"Ah, yeah." Sagot ko nang hindi man lang nakatingin sa kanya. Baka kasi ngingiti na naman siya ng fake. Mahirap na. Di pa naman ako sanay makipagplastikan.

"Do you still like Brace?" Tanong niya na ikinatigil ko.

"Why you ask?" Tanong ko at nagpatuloy.

"It's nothing. I just wanna know," parang may pagka-maarte yung pagkasagot niyang yun.

"There's no special relationship between me and Brace. Don't worry," sabi ko sabay punas nung white towel sa kamay ko dahil tapos na akong maghugas.

"It's good, then. Because he's mine," napatigil ako sa sinabi niya.

And then I smirked. "He's all yours," sabi ko sabay labas.

I don't care kung pagmamay-ari niya si Brace. I'm happy for him kasi nahanap na niya yung babaeng magpapasaya sa kanya pero hindi magpapasaya saming mga kaibigan niya.

---

"Andree, can you get that spatula?"

Inabot ko kay Brace yung spatula nang hindi nakatingin sa kanya. Gumagawa kasi siya ng muffins, utos ni Janna. Hays.

Naglalaro lang ako dito ng Fruit Ninja. Katabi ko si Mami na mukhang inis na inis na sakin.

Sakin kasi nag-uutos si Brace at hindi lang siya pinapansin ni Brace. Ano? Gusto niyang magpalitan kami ng pwesto? Sige ba! Para hindi na ako maistorbo sa paglalaro. Ayt.

"Andree, can you get—"

"I'll be the one! I'll get you everything you need!"-Mami.

Nagtinginan lang kami saglit ni Brace at umiwas na ako. Bumalik na lang ako sa paglalaro.

"Can you hurry up, Mami? You're wasting my time!"-Brace.

"Wait! Don't be mad, okay? I'll get it right away."

Narinig kong bumuntong-hininga si Brace. Muntik na akong matawa. Bahala sila dyan. Hahahahaha.

Aabutin na sana ni Mami yung chocolate chips nang biglang niyang matamaan ang isang babasaging baso na may lamang tubig.

Natapon sakin yung lamang tubig at nabasag yung baso.

"Oh shit." Mura ni Brace sabay lapit sakin.

"Are you okay?" Tanong niya sakin pagkalapit na pagkalapit niya.

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon