Chapter 11: Tents

101 3 1
                                    

ANDREE

"Sa wakas! Nakarating din tayoo!" Masayang sabi ni Janna.

Hindi man kami magkatabi sa bus, at least, sabay kaming bumaba kasama si Angelique at si Shane.

"Jusko. Finally, wala nang John." Rinig kong bulong ni Shane.

Wait. Wait. Ano ba talagang meron sa kanila at ang init-init ng mga ulo nila 'pag magkasama sila? Hmm.

"Tsk. Lecheng Joaquin yun! Tapunan ba naman ng tubig yung damit ko!" Rinig kong sabi ni Angelique kay Janna.

Hahaha. Isa pa 'tong si Angelique. Parating beastmode kay Joaquin! Hahaha. Kahit itong si Janna eh, umiiwas na talaga kay Nash dahil binasted nga siya. At hindi namin alam kung ano ba talaga ang pinag-usapan nilang dalawa noong mga araw na yon.

"Dali na, girls. Itatayo pa natin mga tents natin." Sabi ni Shane.

Hala ka! Oo nga nuh! Basta ang alam ko, magkatabi kami ni Janna matulog. Malaki naman tent niya tsaka ayoko rin magdala ng tent. Nakakapagod kayang dalhin tsaka ang laki nun! Kaya makikitulog na lang ako kay Janna. Hahaha.

Tinawag kami ng mga teachers at pinatayo na ang mga tents. Isang linya na puro tents ng mga girls at isang linya na puro tents ng mga boys na kaharap ng mga tents ng mga girls.

Dahil tapos na kaming magtayo ng tent ni Janna, at yung dalawa eh, nagpatulong pa dahil hindi sila marunong, dumaan muna kami sa tent nung lima.

"Uy, laki ng tent niyo ah." Gulat na sabi ko pagdating na pagdating namin ni Janna sa kung saan nakatayo ang tent nilang lima.

Tumingin sakin si Brace at napakamot ng batok. "Ay, kay Joaquin ang tent na 'to eh." Niee. Ang cute ni Brace! Haha.

"Sigurado ba kayo na kayong lima lang ang matutulog sa tent na yan? Baka magsasama pa kayo ah." Sabi ni Janna. Ito talagang babaeng 'to!

Bigla namang sumulpot si Nash sa harap namin. "Oo naman! Tsaka alam niyo, kasya pa tayo rito. Kung gusto niyo—"

Tumalikod si Janna sa kanya. "No thanks. Ayoko ng may katabing hentai." Mataray na sabi ni Janna. Hala, hala~

"Anong hentai?" Tanong ni Grae.

Janna rolled her eyes. "Pervert." Tapos umalis na siya at iniwan ang bestfriend niya dito. Oo. Ako. Iniwan niya akong katabi si Brace. Uwaaaaaaah! Napaka-late reaction ko naman!!

"Luh? Sinabihan akong pervert? Hindi ako pervert, uy!" Tanggi ni Grae.

May na-receive siyang batok galing kay Joaquin. "Ang tanga mo, dude. Ang english ng 'hentai' ay pervert!"

Napatango-tango na lang si Grae. Ang slow rin ng lalakeng 'to minsan.

Tumingin ako kay Brace. Uwaaaaaaaaah! Tumingin din siya sakin! Taeeeee! Matutunaw na 'kooooo!

Ngumiti siya sakin. Ayt! Syempre, ngumiti na lang din ako! My gawd! Ngayon lang ako nagkaganitoooo!

---

Chapter 11 of Ultimate Crush, DONE! Do vote and comment :)
(Sorry, now lang ulit nag-UD! Ehe. Busy sa school, super! Ayoko na sa first sectiooooon! *cries* Pero joke lang!)

—jhelachan

ULTIMATE CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon