ANDREE
"Andree-chii! Hurry up! They're waiting there already," sabi ni Sattori sakin.
Inimbitahan kasi kami nina Janna para pumunta sa amusement park ngayong araw. Hindi ko alam kung ano yung trip nila e. Basta gusto lang daw nila makaranas na pumunta sa amusement park dito sa Japan.
"Readyyyyyyyy!"
ANGELIQUE
"Ready na ba plano natin mga bes?" Bulong na tanong ni Shane.
"Oo, ready na ready. Si Andree na lang ang kulang," sagot ni Janna.
Nasa isang sulok kami habang nagbubulungan. Iniwan muna namin yung lima kasi gagawin na namin ang aming PLAN A! Jusko. Sana naman umepek sa dalawang manhid na 'to ang plano namin!
"Oyy, nandito na sila!" Excited na sabi ni Grae.
Nakita na namin na papalapit na sina AC, Ritsu at Sattori. Tsk. Bakit ba kasi parati na lang nila kasama si AC? Duuuh? Kailangan din namin siya. Tsaka malapit na kaming umuwi ng Pilipinas.
Yeah. About that...
"Hi guys!" Bati ni Ritsu.
"Hi, Ritsu. Hi, AC and Sattori. Buti naman at nakarating na kayo. Tara na?"-Janna.
OH YEAAAAAAAH! Operation: Make Brace and Andree fall in love with each other again START!
JANNA
Marami kaming sinakyan na rides sa amusement park. WOOOOH! Sa sobrang saya namin, malapit na naming makalimutan na may mission pala kaming tatlo!
"Tara! Dun tayo sa ferris wheel!" Yaya ko. Hoho.
"Heh? Okaaaaaaay," okaaaaaay! Let's start!!
"Halaaaaa? Nasaan yung bag ko??" Taka kong tanong.
"Huh? Saan mo nilagay?" Takang tanong ni Angelique.
"Patay tayo niyan. Nandun lahat ng pera at gamit mo, diba? Tsaka yung passport mo."-Shane.
"Halaaaaaa," nagsimula na akong mag-panic. "Yung bag ko... Tulungan niyo 'kong hanapin yun, please?" Pagmamakaawa ko.
"Huh? Sige. Sandali, tatawagin ko si Andree."-Ritsu.
Akmang tatawagin na niya si Andree na nasa loob na pero pinigilan ko siya. "Hoooooy! Bilis!" Sabi ni Andree pero agad na sumara yung pinto.
"Naalala ko na kung saan ko nailagay!" Sabi ko at hinila si Ritsu at Sattori papunta sa malayo.
YUN YUNG PLANO NAMIN E. Yung magkausap sila. NANG SILANG DALAWA LANG. Walang Ritsu, walang Sattori. Tanging Brace at AC lang.
"Naiwan ko pala yun sa kotse kanina!" Sabi ko pa habang hinihila ko sila.
"So, you remembered? Tara, let's go back kung nasaan sila Andree," sabi ni Ritsu.
Patay! Wrong move.
"Aaaaahhh! I'm thirsty! Tara, bili muna tayo ng maiinom," sabi ni Shane.
Tinignan ko siya. At pasimpleng nag-thumbs up. Nice one, Shane!
"But—"
"Oo nga. Tapos bumili na rin tayo ng para kay Brace at AC," sabi ni Angelique.
WAG KA NANG MAKULIT, RITSU! MABABATUKAN KITANG EPAL KA E!
"Oh, okay then."
WOOOOH! Edi walang batok siyang matatanggap!
BRACE
Arrrrgh.
Sabi na e. May plano talaga yung tatlong yun.
Hindi naman ignorante sa amusement park yung mga yun e. Kaya nagtaka talaga ako at sabi na nga ba e, may balak talaga sila.
"Sorry about this. Mukhang plinano 'to ng tatlo," sabi ko kay Andree nang hindi man lang tumitingin sa kanya.
"Eh? Uhh... Okay lang," sabi niya na naiilang.
Sigh, I wish makaalis na ako dito. Sana in the first place, hindi na ako sumama pa kung alam kong mastu-stuck ako dito sa ferris wheel with Andree.
Maya-maya, dumating kami sa tuktok. "Diba..." Napatingin ako kay Andree nang bigla siyang nagsalita pero umiwas ako kaagad. "Sabi nila, kapag hinalikan mo yung taong gusto mo, makakasama mo siya habang-buhay."
Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Pfft. "Yeah," sabi ko na lang. Seryoso kasi si Andree e. Ayokong mambasag ng trip.
"So, can I kiss you?"
Napatigil ako at nagulat sa tinanong niya. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.
Pero agad siyang umiwas at tumawa ng mahina. "Just kidding," sabi niya.
Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang kamay ko. "Ah, okay." Sabi ko.
"You know, I want Brace back. Yung palangiti. Yung labas talaga yung malalim niyang dimples. Tapos yung sweet. Makulit. Saan na kaya siya?"
Magsasalita pa sana ako pero biglang bumukas yung pinto at lumabas na siya.
Sumunod na lang ako sa kanya. Pagbaba namin, nakita namin sina Janna at yung iba na kumakain ng ice cream. Aba! Sila-sila lang ah.
So, can I kiss you?
Dammit, Brace. Forget that!
-----------------
A/N: Plan A FAILED. Why? Kasi hindi nila pinag-usapan yung about kay Sattori and yung kay Ritsu. Haaaaaay.
Next chapter! Japanese New Year's Festival! Eh, kimono?! Eehh?! Apple candy?!
Vote and comment.
—jhelachan
![](https://img.wattpad.com/cover/75744586-288-k790582.jpg)
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
FanficThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.