ANDREE
"Ingat ka, Andree."-Ritsu.
"Pasalubong namin ah,"-Shane.
"We'll see you later, AC!"-John.
"Hoy, bakla. Balik agad ah? Tsaka yung pasalubong ko, 'wag mo kalimutan."-Janna.
Magsasalita pa sana sina Nash, Joaquin, Grae, Shane, Sattori and Angelique pero pinigilan ko na sila. "I got, I got it. Pasalubong, pasalubong. Magdadala ako, don't worry!"
Tuwang-tuwa naman sina Grae. Napatingin ako sa may bench at nandun lang si Brace na nakaupo habang may earphones. Heh. Nagbago na nga talaga.
"BRAAAAACE!" Malakas kong sigaw. Pinagtinginan ako pero who cares? Gusto kong magpaalam sa kanya bago ako umalis. Ayoko na kasing hindi nagpapaalam. Nakakatakot pala XD
Buti naman at narinig ako kahit may suot na earphones. "WHAT?!" Sigaw niya pabalik.
Parang ewan kami dito. HAHAHAHAHAHA.
"AALIS NA AKO! KITAKITS AH! PAGBALIK KO, MAG-KOTATSU TAYO!" Sigaw ko.
Kung nilapitan ko na lang kaya siya nuh? Pero mas masaya ako sa ginagawa ko ngayon.
Kotatsu? Yeah. Magko-kotatsu silang lahat sa bahay nina Brace. Haish. Kami kasi siguradong engrande ang handaan dun. Sina Mama at Papa pa! Haaaaay! Gusto ko ring mag-kotatsu sa Christmas! Huhuhuhuhu.
"OKAY!"
Grabe talaga 'tong si Brace! Sumigaw ako ng bongga at marami-rami yung sinabi ko tapos 'okay' lang pala magiging sagot. Oh, well.
Hinarap ko na sila Janna na nakangiti sakin. Ngumiti naman ako pabalik. Alam kong tutuksuhin na naman nila ako kay gogora na ako! "Aalis na ako, bye!" Sabi ko.
Yey! Nakatakas naman.
Alam kong nagselos dun si Sattori. Selosa yung babaeng yun e. HAHAHAH. Pero hindi ko pa siya matutulungan ngayon 'cause mago-Osaka ako pero babalik rin ako dito sa Tokyo, of course! XD
Babalik ako, promise.
BRACE
She left. Again.
But unlike dati, sa Osaka lang siya pupunta. Part pa rin naman yun ng Japan e.
Babalik siya.
Unlike dati, na hindi na kasi she'll be staying in Japan for good.
I am glad na kinausap niya pa rin ako. Pero nagsigawan kami dito sa loob. Hindi ko alam kung ano yung purpose niya e but it was fun kahit dalawang salita lang yung sinabi ko.
Honestly, wala namang music na nagpl-play dito sa phone ko. Trip ko lang mag-earphones. Malamig e. Sana nag-headphones na lang ako XD Pero I didn't expect na sisigaw talaga siya imbes na lapitan na lang ako!
"Balik na tayo?"
"Okay."
C H R I S T M A S D A Y
"Merry Christmaaaaaaas!"
"Merry Christmas!"
Nag-kotatsu nga kami ngayong Christmas. Lahat kami ay naka-yukata at yung pito naman, sarap na sarap sa pagkain at sa paghiga sa kotatsu. HAHAHAHA. Halatang mga first-timer e.
Kamusta kaya si Andree sa Osaka? Nagpa-party na rin ba sila dun? Umiinom ba yun?
Argh. Dammit! Stop it, Brace. Just... MOVE ON!
"HOY, BRACE! Loko ka ah! Uminom ka rin dito! Wag kang madaya!" Lasing na sabi ni Shane.
Lahat sila ay lasing na sa sake. First time kasing makatikim ng sake ang mga 'to e. Well, masarap naman talaga ang sake.
Natawa na lang ako. Wala yung family ko dito. Nasaan sila? Nandun sa campany namin sa Pilipinas! Ganyan naman kasi parati e. Wala silang time para sa anak nila. Kahit na bumisita lang dito kahit one day, hindi pwede kasi busy.
*sigh*
Why would they waste their time just to see me, anyway?
"Hoy, Brace..." Napatigin ako sa lasing na si Grae.
"Ano?" Tanong ko sabay subo nung meat na nasa hotpot. Nag-hotpot rin kami, of course.
"May gusto ka pa ba kay Andree, huh? *hic*"
Tinignan ko siya sandali at pagkatapos ay sumubo naman ng carrots na flower yung design. Siguradong isa sa mga 'to ang may gawa nito XD
"Bakit mo naman natanong yan, Grae?" Tanong ko pabalik sa kanya. Eh, ayokong sagutin yung tanong niya e.
"Alam mo ba... Kapag hindi ka pa gumawa ng paraan... Maaagaw na nung Ritsu na yun si Andree babes mo... Kaya tama na yung *hic* pabebe, bro... *hic*"
Nagulat ako sa sinabi ni Grae. Totoo ba 'tong sinasabi ni Grae? Diba hindi daw nagsisinungaling ang mga lasing?
"Hoy... Grae *hic*. Shattap ka nga! *hic* Wag kang maniwala dyan, Brace *hic* nagjo-joke lang siya *hic*"-Nash.
Mm. Ano namang pake ko kung maging sila ni Ritsu at Andree? Wala na ako dun. Sila na an magde-desisyon. I'm out of her life.
Tsktsk. Mga lasing na nga ang mga 'to.
Sa huli, ako na lang ang kumain sa mga natirang pagkain. Sayang naman nuh! Tapos ang ingay-ingay pa nila dahil nag-videoke pa sa bahay.
Please remind me next time, not to make them drunk. BECAUSE IT'S TOO DANGEROUS.
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
Fiksi PenggemarThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.
