A/N: Okaaaay! Lovelife din muna tayo ni Grae. Kasi waley pa siya partner XD
GRAE
Ako si Grae Fernandes. Pogi, mayaman at sikat na estudyante dito sa school na pinapasukan ko.
Parati akong pinagti-tripan ng mga tropa ko. Pero kahit ganun yung mga yun, mahahalaga sakin ang mga yun!
Ang pinagtataka ko lang, BAKIT KAYA AKO LANG YUNG WALA PANG LOVELIFE SA TROPA?
Kasi si Brace, may AC na.
Si Joaquin, may Angelique na.
Si John, may Shane na.(kahit mga aso't pusa parati.)
At si Nash, may Janna na.
Nakaka-hurt na ako na lang pala ang walang lovelife sa grupo. Tatandang binata na ba ako? Jusko. Wag naman sana.
Naglilibot ako ngayon sa campus. Wala lang. Trip ko kasi sila Brace, may mga inaasikaso. Ako yung chill sa tropa ngayon.
"Tama na yan."
Napatigil ako nang makarinig ako ng babaeng nagsalita.
Eh? Galing sa likod ng building.
Sumilip ako dun at may nakita akong grupo ng kababaihan na mukhang may binubugbog na lalake!
Oh no! Anong gagawin ko? Pipigilan ko ba sila? O hahayaan na lang? Nakakatakot yung mga babae! Mas nakakatakot pa sa mga lalake!
Pero kailangan ko silang pigilan habang hindi pa sila nahuhuli ng mga teachers! Siguradong suspended ang mga babaeng 'to pag nagkataon!
"Um, excuse me." Sabi ko.
Tumingin silang lahat sakin. Fudge! Grabe yung tingin nila. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakahandusay sa sahig!
"Eh? Ikaw si Grae Fernandez, diba? Anong gusto mo? Bakit napunta ka sa building namin?" Tanong ng isang babae.
Jusko. Mukhang makakausap ng maayos ang isang 'to. Hooh!
"Um, napadaan lang ako. Anong ginagawa niyo dyan? Anong ginawa niyo sa lalakeng yan?" Sabay turo dun sa lalakeng halos hindi na makilala pa.
Kahit na alam ko ang dahilan, tinanong ko pa rin. Eh, sa wala akong masabi eeeh!
"It's none of your business." Sabat agad nung isang babaeng naka-hoodie.
Ay, takte.
Napapailing na lang ako sa isip ko. Sayang ang isang 'to. Mukhang biniyayaan pero hindi nare-realize!
"Sabi ko nga." Bulong ko.
"Wag ka nang makialam samin, Grae Fernandez. After all, this building is for deliquents."
Oh? Kaya naman pala! Kaya pala kanina pa ako nagtataka kung bakit maraming naninigarilyo, nagva-vandalism at nagbubugbugan habang dumadaan ako. Buti at hindi ako napag-tripan kanina.
"Ah—"
"Yuri, ilabas mo na si Grae sa building natin. Baka mapano pa yan. Sayang ang ganda ng mukha."
Lumapit sakin si "It's none of your business" girl. Oooh! So, her name is Yuri. A japanese name, huh?
"Hoy, bilisan mo na na dyan." Malamig niyang sabi.
Sumunod naman ako sa kanya. Takte naman! Pakiramdam ko, mapapatay ako sa building na 'to.
"Ano bang pumasok sayo at pumasok ka sa building na 'to? Alam mo namang mapanganib." Sabi ni Yuri habang naglalakad na kami palabas ng building nila.
"Eh? Sorry. Wala naman kasi akong alam na may Building for Deliquents pala sa school na 'to." Sabi ko.
She grinned. "Paano mo naman malalaman kung tago ito? Mga patapon na kami sa building na yun. Wala namang may pake." Sabi niya pa.
"Pero hindi naman lahat sa inyo, tinapon na pati mga pangarap nila, diba?" Tanong ko.
Tumigil siya sandali sa paglakad pero pinagpatuloy rin pagkatapos. "Yeah."
Nakalabas ako ng building nila na safe. Salamat naman.
"Salamat sa pagsama sakin ah, Yuri." Nakangiti kong sabi.
Tumango siya. "Yeah, yeah." Walang kwenta niyang sabi.
Pero napangiti ako pagkaalis ko dun.
Maybe she's a deliquent, pero she has a kind heart.
---
A/N: Oooh! Kamusta ang walang kwenta kong update? Huhuhu.
Ang lawak ng imahinasyon ko eh. Napunta sa Deliquent Building. Hahaha XD
Wala maisip eh.
Anyway, don't forget to voteeee! And drop some comments. Thank youuu.
—jhelachan
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
FanfictionThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.